^

Pang Movies

Mga Reklamador ng bayan, hindi na uso

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga Reklamador ng bayan, hindi na uso
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bata pa ako, mantra ko na sa buhay ang follow and respect the leader. Puwedeng meron akong complains minsan but still my faith in my leader never na mabawasan.

Hihintayin ko pa rin na baka iyon napansin kong shortcoming niya maayos at magawan niya ng solusyon. Naniniwala ako na pinili siya ng mas marami dahil meron silang tiwala sa kanya.

Usually naman common ugali na ng mga tao iyon laging may nakikitang mali kahit sino pa iyon ilagay mong namumuno.

Medyo maikli ang pasensiya natin maghintay ng mga pagbabago na puwedeng gawin.

At kailangan din natin isipin na napakalaki at napakaraming tao sa Pilipinas at imposible na lahat puwede mo pagbigyan.

Ewan ko ba but I feel proud tuwing nagsasalita ang mga Presidente natin.

Kahit hindi ko binoto pero pinili ng mas maraming botante tanggap ko bilang leader natin.

Dahil para sa akin mas marami ang naniwala sa kanya, kaya dapat akong sumunod. Respeto ang dapat natin ibinibigay sa sinumang leader natin dahil the most we can do is trust na puwede niya ibigay ang expectation natin sa kanya.

I feel proud na nakikita ko na ginagawa ni Presidente Bongbong Marcos na lahat nang puwede niyang gawin para sa Pilipinas. At talagang mapapansin mo na nahihirapan siya dahil mula sa pagiging very boyish ng mukha niya nung bago pa lang siyang upo sa puwesto, ngayon makikita mo na ang mga wrinkles at eyebags dahil nga siguro sa pag-iisip ng mga dapat na solusyon sa tambak na problema ng bayan natin.

Ewan ko pero sa mga ganitong pagkakataon mas dapat natin ibigay ang tiwala sa atin leader. Dapat parang anak o kapatid na meron tayong pagmamahal sa kanya.

Our President is our leader.

We have to completely trust him, believe him, and wait for his decision for whatever problem we encounter.

Bongga. dapat ganun. ‘Wag maging reklamador.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with