^

Pang Movies

Heart, kinatuwaan sa kanal humor

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Heart, kinatuwaan sa kanal humor
Heart Evangelista

Natuwa ang netizens sa “kanal humor” ni Heart Evangelista on TikTok. Kahit daw isang global fashion icon at sosyal ang image ni Heart, abot na abot pa rin daw niya ang masa at nakikipagbiruan sa kanyang followers sa social media.

Sa game na “tutorial video” niya, isang netizen ang nagtanong sa kanya ng “Kapag po umutot ‘yung sosyal paano?”

Sa isang TikTok video idinaan niya ang kanyang kuwelang response sa tanong ng fan. Makikita sa video ang pagde-de­monstrate niya kung saan pasimple siyang nag-spray ng pabango sa kanyang katawan at sa kanyang paligid matapos siyang kunwaring “nagpasabog.”

Reaction ng isang naaliw na netizen: “May kanal humor din pala si Heart! Ang mahal nyo naman po umutot, imagine magkano isang wisik ng perfume mo!”

Kaya hindi nakakapagtaka na may 7 million followers si Heart sa TikTok habang nasa 63.1 million likes na ang kanyang mga content. Hindi lang kasi ang pagiging fashionista ang gustong panoorin ng followers niya kundi pati ang pagiging game niya sa mga tanong nila.

Vanessa Williams, humirit pa ng bagong video

Sa edad na 61, nakapaglabas pa ng new single at music video ang singer-actress na si Vanessa Williams.

After 15 years ay nakapag-drop ng new song si Vanessa titled Legs (Keep Dancing) last April 26. Huli niyang album ay noong 2009 na The Real Thing.

Naging makulay ang recording career ng former Miss America na nagsimula noong 1988. In 1992, Vanessa scored her first hit single, Save The Best For Last na nakakuha ng tatlong Grammy nominations.

In 1995, naging hit single ang version ni Vanessa ng Colors of the Wind, ang theme song ng Disney animated film na Pocahontas. Nanalo ang song ng Grammy, Golden Globe at Oscar for best original song.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with