^

Pang Movies

Ellen, buntis na?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ellen, buntis na?!
Ellen Adarna

Buntis na nga ba si Ellen Adarna sa first baby nila ni Derek Ramsay?

Ito kasi ang laman ng blind-item ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi na bandang huli ay pinangalanan din niya.

“Narinig ko lang naman ‘to ha!” simula ni Ogie.

“Wala namang diperensya kung magbuntis man siya dahil may asawa siya at sobra nilang mahal ang isa’t isa. At wala naman tayong nababalitaan na may na-link sa kanyang iba kasi nga may asawa siya at happily married sila,” patuloy niya.

Sey pa niya, “katunayan ‘yung lalaki, ‘di ba, gini­­b-ap na ‘yung career sa showbiz, para mag-concentrate sa kanyang pamilya.”

Binanggit niya rin na may nauna nang anak ang aktor sa dati nitong nakarelasyon at gayundin naman ang aktres.

“Nauna nang may anak si aktor doon sa una niyang dyowa ‘di ba, na binata na ngayon. Meron ding anak si girl sa kanyang boyfriend noong araw na isang aktor, pareho na silang may tig-isang anak.

“Ngayon, buntis daw ha, narinig ko lang naman, itong napakagandang aktres na huminto rin sa showbiz pero kilalang-kilala pa rin at tumatanggap pa rin naman ng mga endorsements,” sabi pa ni Mama Ogs.

Sinusugan siya nina Mama Loi at Mrena na sabihin na kung sino ang aktres na buntis sa kanyang asawang aktor at pinagbigyan naman ito ni Ogie.

“Gaano katotoo na si Ellen Adarna ay buntis na?” aniya.

If true ay nakakatuwa naman daw dahil matagal na raw itong hinihintay ng mag-asawa.

Matatandaang ini-reveal ni Derek last year na nagkaroon ng miscarriage si Ellen pero hindi raw sila nawawalan ng pag-asa at goal nila na makabuo this 2024.

Heart, balik-Paris

Nasa Paris na naman pala si Heart Evangelista base na rin sa kanyang posts lately.

Pero this time ay hindi niya kasama ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero.

Sa kanyang Instagram post last Sunday ay nagbahagi ng mga larawan ang global fashion icon habang nakaupo siya sa bench ng isang park. Sa caption ay ipinahayag niya ang nararamdaman na hindi niya kasama ngayon ang asawa.

“Sundays in Paris are amazing but indeed it’s not the same without (cheese emoji) @escuderochiz,” Heart wrote.

Matatandaang ilang beses na ring sinamahan ni Sen. Chiz si Heart sa pagrampa nito sa Paris to show his all-out support for his wife.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with