^

Pang Movies

Kim, binabalik-balikan ng abogadong Cebuano

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, binabalik-balikan ng abogadong Cebuano
Kim Chiu at Oliver Moeller

May bagong guy na inili-link ngayon kay Kim Chiu aside from Paulo Avelino. Ito ay ang Cebu-based lawyer na si Oliver Moeller na matatandaang naging searchee sa Expecially segment ngIt’s Showtime last April 6.

Ito rin ang guy na look-alike ni Piolo Pascual na siyang pinili ni Michelle Dee na maka-date nang maging guest din siya sa nasabing segment ng show.

Sa It’s Showtime episode last Tuesday ay biglang nakita nina Vice Ganda si Oliver sa audience kaya in-acknowledge niya agad ito.

Sabi ni Vhong Navarro, “parang may binibisita siya rito.”

Hirit naman ni Vice, “naku, si Kim Chiu yata ang binibisita.”

Nang makapanayam ni MJ Felipe ang abogado ay diretso niyang tinanong kung nanliligaw ba ito kay Kim.

“I don’t think it’s fair that I speak about that without her permission. Sorry I hope you understand. Kim is pretty nice,” sabi ni Oliver.

Pero inamin naman niyang crush niya noon pa si Kim.

“I’ve always thought Kim was a pretty person, also from Cebu so I guess you can say that,” he said.

Anyway, sinabi rin ng abogado na simula nang um-appear siya sa It’s Showtime ay napakaraming opportunities na nagbukas sa kanya at kasama na rito ang pintuan para sa showbiz na ikino-consider daw niya. “I am actually considering it. Partly the reason why I’m here,” sey niya.

Donny, iniintriga pa rin kay Kathryn

How true na niligawan talaga ni Donny Pangilinan si Kathryn Bernardo few months ago lang?

Sa latest vlog kasi ni Ogie Diaz ay ito ang kanilang napag-usapan ng mga kasamahang sina Mama Loi and Dyosa Pockoh.

Nangyari raw ito nitong wala na sina Kathryn and Daniel which means recently lang. “Eh ‘di ba, ‘yung dati, ‘di ba, nag-viral pa ‘yun? ‘Yung inaalok pa si Kathryn ng softdrink kasi baka nakainom si Kathryn, pambaba ng tama or something,” sabi pa ni Ogie.

Well, dito pa lang ay hulang-hula na kung sino ang tinutukoy niya dahil matatandaang nag-viral ang video nina Kathryn and Donny sa wedding reception ng kasal ni Robi Domingo and Maiqui Pineda last January.

Sa nasabing video ay makikitang inaalok ng drink ni Donny si Kathryn habang nasa dance floor sila. Naging kontrobersyal ang insidenteng ito at nag-react nang bongang-bongga ang kani-kanilang fans.

Anyway, binanggit naman ni Ogie na hindi raw talaga mabibili ang pag-ibig na sinundan naman ni Dyosa Pockoh ng “can’t buy me love” na title ng teleserye nina Donny and Belle Mariano.

At dahil obvious naman ang clues, binanggit na rin ni Ogie ang pangalan ni Donny.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with