^

Pang Movies

Ruru, nagulat sa agad-agad na tikiman nila ni Angeli Khang

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ruru, nagulat sa agad-agad na tikiman nila ni Angeli Khang
Angeli Khang

Inamin ni Ruru Madrid na nabigla siya na kissing scene agad ang unang eksena nila ng Vivamax star na si Angeli Khang sa pagpasok ng karakter nito sa Black Rider.

Alam kaya ito ng kanyang girlfriend na si Bianca Umali?

“Awkward kasi siyempre first time naming mag-meet tapos kissing scene agad. Pagdating ko sa set, walang signal dahil nasa Tanay kami, pag-check ko, ‘Totoo nga, may kissing scene nga, at kanino?’ ‘Kay Miss Angeli Khang’ Medyo nagulat ako na meron na agad ganu’ng eksena,” sey ni  Ruru.

Natatawang sabi naman ni Angeli: “Sabi nga namin, ‘Wala man lang bonding? Ito na ang bonding natin, kiss na agad.’ Para sa mga viewer, trabaho lang po, professional.”

Ayon kay Ruru, hindi niya agad nasabi sa kanyang girlfriend na si Bianca ang eksena dahil walang signal ng cellphone sa lugar ng kanilang shoot.

“Kami ang usapan namin, pagdating sa mga ganyang bagay, wala naman kaming pigilan. Hindi naman namin pinapakialaman ang trabaho ng isa’t isa. Kumbaga sa aming dalawa ni Bianca, dapat lang maging transparent kami kapag may mga ganiyang eksena,” paliwanag ni Ruru.

Magiging bagong love interest ng karakter ni Ruru ang karakter ni Angeli, na aminadong kabado sa kanyang kauna-unahang teleserye.

Myrtle, waging Content Streamer of the Year!

Nanalo si Myrtle Sarrosa bilang Content Streamer of the Year sa 2023 Philippine Esports Awards.

Sa kanyang Instagram, makikita ang pangunguna ni Myrtle sa botohan, kung saan tinalo niya ang tatlong iba pang content streamers.

“Gaming has always been my passion, and sharing it with my community every day whenever I go live on stream has always been a dream come true. But this... this is beyond anything I could’ve imagined,” caption ni Myrtle.

“Thank you so much Philippine Esports Awards and to my entire community from my viewers, moderators and admins who join me in every single adventure and through every single game regardless kung victory, defeat at kahit man mag lose streak,” sey pa ng Makiling star.

vuukle comment

ANGELI KHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with