^

Pang Movies

Sofia, na-scam ng babaeng gumagawa ng glass windows!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Nakikiusap si Sofia Andres sa netizens na tulungan siyang hanapin ang isang babae na diumano ay kinontrata niya para gawin ang glass windows na kanyang ipinapagawa.

Ipinost ng aktres sa kanyang Instagram page ang larawan ng babaeng nagngangalang Annalisa Salem na aniya ay hindi na raw nagpapakita sa kanila.

“Annalisa Salem is nowhere to be found. She’s the one that’s in-charge to work on our glass windows and we’re fully paid,” pahayag ni Sofia.

Tatlong buwan na raw hindi nagpapakita ang babae at sobrang devastating daw ito sa kanya at sa pamilya dahil bayad na sila in full.

“It’s just devastating for me & my family. We are excited for this house to be finished which is supposedly this February. Been waiting for 3months or so for this person,” she said.

“Pls message me if you can give me some help. You work so hard and this happens,” sey pa ni Sofia.

Binanggit din ng aktres ang pangalan ng kumpanya ng hinahanap na babae.

Sa comment section ay marami ang nagpayo kay Sofia na ilapit ang kanyang problema sa programa ni Sen. Raffy Tulfo. Ang iba naman ay sinisisi siya kung bakit nagbayad na siya in full gayung hindi pa tapos ang trabaho.

Matatatandang taong 2022 pa sinimulang patayuan ni Sofia ang kanyang property sa Lipa, Batangas. Noong September, 2023 ay ipinost naman niya ang progress ng ipinapatayong dream house.

vuukle comment

SOFIA ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with