^

Pang Movies

Rewind, hanggang mahal na araw ang epekto!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Rewind, hanggang mahal na araw ang epekto!
Marian Rivera at Dingdong Dantes
STAR/ File

Malakas talaga ang epekto ng Dingdong Dantes at Marian Rivera movie na Rewind sa lahat ng nakapanood nito.

Eh sa telecast ng Siete Palabras o Seven Last Words ng Sto. Domingo Church, nabanggit ng isang speaker ang eksena ni Dong sa movie na nakikiusap kay Lods (Pepe Herrera) na ma-extend ang pananatili niya sa mundo.

Kung tama kami, sinabi ni Lods kay Dong na, “Hindi ka ba naniniwala sa akin? Magtiwala ka lang,” sabi ng speaker na ikinonek sa paniniwala natin sa Diyos.

Kumbaga, maniwala tayo sa Diyos at Siya na ang bahala sa atin at sa maiiwan natin kung sakaling wala na tayo sa mundo.

No wonder, hanggang ngayon eh patuloy na tinatangkilik ang Rewind sa Netflix PH na number one ngayon.

Samantala, sa Lunes, April 1, magbabalik na sa primtime TV si Marian sa My Guardian Alien na mapapanood after Black Rider.

Happy Easter!

Happy, happy Easter sa lahat ng readers ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.

Nawa’y naka-recharge, nagmuni-muni at pahinga sa loob ng ilang araw nang sa gayon ay haraping muli ang mga hamon ng buhay!

Mainit pa rin ang panahon kaya laging uminom ng tubig and stay hydrated!

vuukle comment

DINGDONG

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with