^

Pang Movies

Joshua at Janella, magsasama sa sizzling sayawan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Humanda sa nakakakilig na pagsasama nina Joshua Garcia at Janella Salvador sa entablado para ihatid ang kanilang fresh dance performance ngayong Linggo (Marso 10) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Ipagdiwang ang OPM kasama ang mga ASAP icons na sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Erik Santos, at Angeline Quinto na aawit kasama ang legendary na mang-aawit at performer na si Celeste Legaspi, na bibigyan ng tribute para kanyang musika at ilang dekada nang karera sa industriya.

Makikanta at makisayaw sa Janet Jackson hits na ihahatid nina Gary Valenciano, Martin, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Vina Morales, Erik, Angeline, Jona, Jason Dy, Janella, Klarisse De Guzman, Jeremy G, Maymay Entrata, AC Bonifacio, Sheena Belarmino, at Darren Espanto kasama ang birthday girl na si Alexa Ilacad. Makikisaya rin si Edward Barbers at Robi Domingo kasama ang ASAP family.

Abangan rin ang mga nakakaantig na pagtatanghal ng mga singing champion na sina Jed Madela, Jona, Klarisse, Sheryn Regis, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Katrina Velarde, Bugoy Drilon, JM Yosures, Lyka Estrella, Reiven Umali, at JM Dela Cerna ngayong Linggo.

Tuluy-tuloy na makihataw kasabay ang mga dance idol na sina Maymay, AC Bonifacio, Ken San Jose, Gela Atayde, Jeremy, Jameson Blake, Race Matias, at Joao Constancia. Susunod pa ang kaabang-abang na performance nina Jackie Gonzaga at dating Sexbomb dancer na si Jopay Paguia na maghaharap para sa isang dance battle.

Damhin naman ang senti vibes kasama ang mga singer-songwriter na sina Gary, Nyoy Volante, Anji Salvacion, Jeremy G, at Barbie Almalbis na nagdadala ng mga espesyal at orihinal na performances. Dagdag pa sa mga kamangha-manghang mang-aawit na ito ay sina Morisette Amon, Anji, Darren, at Ferdinand Aragon.

 

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with