^

Pang Movies

Elijah, napalitan ni Miles ng award

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Elijah, napalitan ni Miles ng award
Miles Ocampo.
STAR/ File

Natuwa kami para may Miles Ocampo. Isipin ninyong nagsikap siya sa loob ng 27 taon bilang  artista hanggang nito ngang nakaraang MMFF ay nakakuha na siya ng award sa kauna-unahang pagkakataon. Kung iisipin ang award ni Miles at ang award din ni Cedrick Juan ang katunayan na ang jury ay gustong magbigay ng pagkakataon sa ibang mga artista na manalo naman, pero siyempre hindi naman nila maisasara ang kanilang mga mata sa mahusay na acting talaga.

Sabi nga niya malaking bagay iyan dahil maraming nangyari sa kanya. Hindi na niya binanggit kung ano, pero ang kuwento ay nalaman na lang niya na nakipag-split na sa kanya ang dati niyang boyfriend na si Elijah Canlas.

Pero baka nga iyon naman ang nagbigay ng suwerte kay Miles.

Mga basher, ayaw tumigil

Ano ang kasalanan ni Vilma Santos kung siya ang nanalong best actress sa katatapos na Metro Manila Film Festival?

“Marami” ang sagot ng ilang bashers. Kasi iyan daw pelikulang When I Met You in Tokyo dapat sana ipinalabas na noong September pero nagdesisyon ang  producers na isali sa MMFF. Kung inilabas nga naman iyan noong September hindi na naging bida si Vilma.

Dito lang naman sa Pilipinas maraming angal pagkatapos ng awards eh. May narinig ba kayong ganyan sa ibang bansa? At ang masakit hindi mga tao ng industriya na mas nakakaintindi ng pelikula ang umaangal kundi kung sinu-sino lang namang walang karapatan?

Saka matatawaran mo ba ang mga hurado?

Tulad nina Chito Roño, Lorna Tolentino at Joey Reyes at iba pa na mga kilalang tao sa industriya?

Ba’t sa social media sila nagtatanong.

Cedrick, kinalkal ang paghuhubad!

Maraming mahuhusay na actor ang minsan ay gumawa rin ng bold movies, pero napatunayan naman nila ang kanilang kakayahan kaya sila kinikilala rin.

Ang actor at director na si Eddie Garcia ay gumawa ng bold movie, ang Batuta ni Dracula. Pero hindi masasabing dahil doon ay hindi siya isang mahusay na actor.

Si Cesar Montano, minsan ay gumawa rin ng Machete, pero pinatunayan niya ang galing niya.

Maraming gumawa ng bold maski na nga ang yumaong actor na si Ronaldo Valdez may nagawa ring ganyan. Pero bakit nang manalo si Cedrick Juan talagang kinalkal nila ang ginawa noong pelikula ng Vivamax at sinasabing ang best actor daw ay bold actor pala?

Manigong bagong taon

Mamayang gabi ay 2024 na. Manigong Bagong Taon sa inyong lahat. Nawa’y maging mapayapa at ligtas ang ating bagong taon. Iwasan na ang mga paputok, delikado na ay gastos pa.

Huwag ding bumili ng labis-labis na pagkain, na kinabukasan naman ay sira na.

Sa pagsalubong sa Bagong Taon, magdasal tayo na sana’y bumuti ang ating buhay at tayong lahat ay maging maligaya.

vuukle comment

MILES OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with