^

Pang Movies

Francine, galit na galit kay Andrea!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Francine, galit na galit kay Andrea!             
Francine

It was close to midnight nang makita namin ang social media live ni Francine Diaz na nagkukuwento kung ano talaga ang nangyari sa kanila. Hindi naman daw totoong sinugod siya ni Andrea Brillantes, pero tinawagan siya sa telepono at galit na galit sa kanya.

Hindi raw niya pinansin iyon at noong una ay nanahimik na lang siya dahil sa palagay niya kung magsasalita pa siya lalo lang lalaki ang gulo sa pagitan nila.

Hindi yata nagustuhan ni Andrea iyong sinasabing pagpunta ng ex niyang si Seth Fedelin sa bahay ni Francine. Pero sinabi namang ang pagpunta ni Seth noon sa bahay nila ay para lang humingi ng dispensa dahil kung anu-ano nga ang nasasabi sa kanya na hindi naman tama. In fact ang sabi nga raw noong una kasama si Andrea sa pagpunta ni Seth sa bahay nila, at ok lang sa kanya iyon. Pero hindi nga ginawa iyon ni Andrea na nagalit sa kanya at kung anu-ano na ang sinabi.

“Wala akong inahas, wala akong nilandi, wala akong inagaw. Malinaw? Kung ano ang nakikita ninyo sa amin ni Seth on cam, ginagawa lang namin ang trabaho namin,” sabi ni Francine.

Siya pala ang sinasabing third party sa split nina Seth at Andrea.

Pero may ibang version ng kuwento. Nalaman daw ni Seth ang pakikipag-fling ni Andrea kay Daniel Padilla noon pa, at iyon ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Nanahimik lang siya, at inisplitan na lang si Andrea.

Kung titingnang mabuti kaya pala nagkagulo-gulo rin ang love life ni Andrea ay dahil sa naging fling nila ni Daniel. At kaya rin naman napika si Kathryn Bernardo ay nang aminin mismo nito sa kanya ang nangyari sa kanila ni Daniel.

Kaya kung tutuusin sino ba ang may kasalanan, at ano nga ba ang malaking kasalanan?

At lumalabas ngayong si Andrea ang tipo ng babae na gagawin ang lahat kung gusto niya ang lalaki.

Mga film produ, takot pa rin sa piracy

Paramihan ba ng sinehan ang mga entries sa Metro Manila Film Festival? Hindi rin kasi dumami lang naman ang sinehan ng iba dahil nakapag-book sila sa mga sinehan sa probinsiya. Eh kasali officially ang mga sinehan sa probinsiya sa film festival.

Kaya lang gusto ng producers na mailabas sila simultaneously sa mga probinsiya para labanan ang piracy. Kasi kung sa Metro Manila lang sila lalabas, malaki ang chance na mapirata na ang kanilang pelikula bago pa man mailapabas sa mga probinsiya na ang resulta wala na silang pagkakataong kumita roon.

May mga pelikula na nakakuha lamang ng kaunting sinehan, kasi nga sa tingin ng mga may hawak ng theater circuit sa probinsiya ay hindi naman kikita ang mga pelikulang iyon. Kaya nga matindi ang kampanya nila para sa first two days gross dahil kung hindi nila maabot ang quota malamang bawasan pa sila ng sinehan at ibigay iyon sa mas malalakas na pelikula.

vuukle comment

FRANCINE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with