^

Pang Movies

Tandem, flop ang concert sa Amerika!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nalugi pala ang ilan sa promoters sa US nang kunin ang isang tandem upang mag-concert sa ibang States doon.

Eh mahal na nga ang bayad sa buong show, kung hindi masyadong pinasok ng mga tao, nag-pull out naman ang venue dahil mahina ang bentahan ng tickets.

Nung unang ginawa rito ang concert, big hit dahil bago ang tandem. Nagkaroon pa ito ng repeat at tagumpay rin.

Pero nang dalhin na ito sa Amerika, mahina sa tao. Hindi masyadong puno ang mga venue ng unang pinagtanghalan, huh!

Magaling pa naman ang dalawa pero sa Amerika, kahit may mga Pinoy, iba pa rin ang audience doon. Mas gusto lang nilang makita ang performers pero ayaw nilang magbayad, huh!

Of course, hindi puwedeng isisi sa tandem ang pagkalugi ng concerts nila.

Maraming factors na dapat isaalang-alang at hindi lang dahil sa performers, ‘di ba?

Miles, tikom kay Elijah!

Safe naman ang sagot ni Miles Ocampo nang tanungin namin sa mediacon ng Cineko’s festival entry na Family of Two kaugnay ng selebrasyon niya ng Pasko.

Cliché ang sagot ni Miles na family and friends ang kasama niya sa Christmas. Wala siyang Elijah Canlas na nabanggit.

Tikom na nga kay Elijah, tiklop pa rin ang bibig niya sa isyung nadawit si Andrea Brillantes sa umano’y hiwalayan nila, huh!

vuukle comment

MILES OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with