^

Pang Movies

Ricky, malaki ang respeto sa LGBTQ+   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Ricky, malaki ang respeto sa LGBTQ+              
Rikki Mae at Ricky

Naging special guest ni Boy Abunda last Tuesday, Sept. 26, sa afternoon program nitong Fast Talk with Boy Abunda, ang mahusay na actor at director, si Ricky Davao at first time nitong magpahayag ng tungkol sa paghihiwalay nila ng da­ting asawang si Jackie Lou Blanco, 23 years ago.

Hindi raw nila kagustuhan pareho ni Jackie ang kanilang paghihiwalay, wala sa kanilang plano, pero “we have to accept, move on and continue living, be positive, dahil mahirap pagdaanan ang isang breakup.

“Pero nagbabago ang mga breakups sa paglipas ng panahon at nag-mature na rin ang tao. Pero I’m in love now, at naniniwala ako sa second chance.”

Sa ngayon, sa kabila ng paghihiwalay nina Jackie at Direk Ricky, co-parenting pa rin sila sa mga anak nila.

Inamin din niya kung paano inamin sa kanya ng anak nilang si Rikki Mae na member ito ng LGBTQ+ community. “Something happened in her school, nabalitaan ko, nagalit ako,” kuwento ni Direk.

“Sa bahay, nag-aayos ako ng shoes, nagalit ako, binato ko, hindi naman siya tinamaan, at umiyak na siya. Maluha-luha rin ako. Kinabukasan, binigyan ako ni Rikki Mae ng sulat, pag-amin tungkol sa pagkatao niya. She’s different daw at part nga ng LGBT+ community. Of course natanggap ko naman agad because I love her, and I respect her.  So, whatever makes her happy.”

Napapanood ngayong umaarte si Direk Ricky sa GMA Telebabad na Love Before Sunrise nina Dennis Trillo at Bea Alonzo, gabi-gabi sa GMA 7 after ng Maging Sino Ka Man.

Dingdong, gusto nang palabasin ang mga tao sa Pasko

Nagsu-shooting na ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng Rewind, ang entry nila for the coming 2023 Metro Manila Film Festival sa December.

Ayon kay Dingdong, ang shooting daw nila ay nagiging bonding time na rin nilang mag-asawa. Minsan nga sa set, nag-post sila na nag-TikTok, bale iyon daw iyong first time nilang mag-collaborate sa TikTok. Pero excited na raw sila sa kanilang project, after four years na hindi sila nagtambal sa movie. “Excited kami sa project na ito,” sabi ni Dingdong.

“Three months na lang, December na. At nakakatuwang malaman na marami palang nag-submit ng entries for the festival, meaning marami pa ring producers ang gustong gumawa ng pelikula at maipalabas sa mga sinehan.”

Inisa-isa ni Dingdong ang movies na sabi’y papasok na sa festival. “Merong entry si Pipo (Tirso Cruz III, na katatapos lamang niyang makasama sa Royal Blood ng GMA Telebabad) with Ms. Vilma Santos at Christopher de Leon. May entry rin sina Ms. Sharon Cuneta at si Alden Richards. Ibabalik din ng Regal Films and Shake, Rattle & Roll. Nakakatuwa, dahil we belong to this industry at iisa lamang naman ang gusto natin, na mabuhay muli ang industriyang ito, bumalik ang mga manonood sa mga sinehan. Kaya wish namin, this December lumabas na ang mga tao, tangkilikin ang Pelikulang Pilipino. Kaya it’s our hope and our prayer, na mag-normalize na ang lahat after this pandemic, bumalik na ang mga manonood sa mga sinehan.”

vuukle comment

RICKY DAVAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with