^

Pang Movies

Denise, walang tiwala sa yaya

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Denise, walang tiwala sa yaya

Ayaw palang palakihin ni Denise Laurel sa yaya ang kanyang anak na si Davian Alejandro or Bukie. Mas gusto niyang magpatulong sa kanyang pamilya at iwan ang anak sa mga ito tuwing papasok siya sa trabaho.

Kuwento ng aktres, “I grew up without a yaya, so I wanted him to grow up without a yaya as well. So my parents would watch him while I was at work. I’m still guilty you know, mom guilt, kapag nasa set ka tapos iniisip mo how is he doing? Is he okay? Is he alright, did he eat?”

Mas palagay raw ang loob niya na ang kapamilya niya ang nag-aalaga sa anak kesa iwan sa hindi kilala. Nirerespeto naman daw niya ang iba’t ibang paraan ng mga magulang sa pagpapalaki sa kanilang anak.

“No offense but everybody has their own way. For me, I just feel like I think less if he’s with my mom.”

Tinuturuan na rin daw niyang gumawa ng sariling desisyon ang anak at pinaliwanag sa anak na anuman ang mangyari ay mahal niya ito.

Paalala niya kay Bukie, “Whoever you want to be will never diminish my love for you in any way even if you fall down, make mistakes, whatever. I always reassure him that the love only grows and never gets subtracted.”

Kahanga-hanga si Denise sa pagpapalaki sa anak dahil hindi madali ang maging single mom pero kinakaya niyang pagsabayin ang trabaho at pag-alaga rito.

vuukle comment

DENISE LAUREL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with