^

Pang Movies

Sophie, pinabalik ni Vin sa pag-arte

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sophie, pinabalik ni Vin sa pag-arte
Sophie Albert

Para sa nagbabalik sa pag-arte na si Sophie Albert, nagpapasalamat ito sa kanyang husband na si Vin Abrenica dahil sa support na binigay nito sa kanya ang teleserye na The Missing Husband.

Si Vin nga raw ang nag-push sa kanya na bumalik sa pag-arte dahil sayang daw ang opportunity. Habang nag-taping si Sophie sa Dubai, si Vin ang nag-alaga sa anak nila dahil katatapos lang ni Vin noon ng Mga Lihim ni Urduja. “Vin is so understan­ding, he’s so sweet, he’s so affectionate, he’s a good provider, and he really takes care of me and our daughter. So hands down, he’s a good man,” sey ni Sophie.

Sa 10 years na pagsasama nila, naging matatag silang dalawa sa gitna ng maraming pagsubok. “We’ve been together 10 years na kasi so feeling ko napagdaanan na namin ‘yung mga time na super lovey-dovey na parang honeymoon everyday. Napagdaanan na rin namin ‘yung times na kapag nakikita namin ‘yung isa’t isa nakakairita. But in the end of the day, gusto namin buo ‘yung pamilya namin and ‘yun ‘yung nagpapasaya sa amin,” diin pa niya.

Parehong nagwagi sina Sophie at Vin sa reality talent search show ng TV5 na Artista Academy noong 2012.

Matt Lozano, emosyonal sa last taping day ng VV

Dahil sa Voltes V: Legacy, nakilala raw ng buong Pilipinas at sa ibang bansa si Matt Lozano na gumaganap bilang si Big Bert Armstrong.

Higit na 17 years na raw siya sa showbiz at sumali pa siya noon sa artista-search ng TV5 na Star Factor in 2010.

Ilang pelikula at TV shows ang nagawa niya, pero ang Voltes V: Legacy raw ang naging daan para makilala na siya. “Siguro ‘yung pinaka-touching sa akin ngayon ‘yung mga bata, na sinasabi nila na ‘Kuya Big Bert, sobrang happy kami kasi andiyan ka palagi,’ Ang sarap sa pakiramdam na hindi ko kasi akalain na ‘yung mga bata ngayon, ‘yung mga generation ngayon maa-appreciate nila ang Voltes V,” sey ni Matt.

Kelan lang ay nag-last taping day na sila at hindi nila napigilan ang umiyak dahil mami-miss nila ang isa’t isa. Tatlong taon din daw silang nagkasama sa set simula pa noong may COVID-19 pandemic.

Ariana Grande at Demi Lovato, nilayasan ang manager

Sabay na umalis sa management ni Scooter Braun ang singers na sina Ariana Grande at Demi Lovato.

Unang binalita ng Page Six na si Justin Bieber ang umalis sa management ni Braun. Pero pinabulaanan ito ng rep ni Bieber dahil may kontrata pa raw ito with Braun at may niluluto silang malaking project ni Bieber.

Si Ariana ang unang binalita ng Billboard na kumalas na sa management ni Braun.

 Kasalukuyang tinatapos ni Grande ang musical film na The Wicked in London.

The next day, si Demi Lovato naman ang umalis kay Braun. Lovato signed with Braun in 2019.

vuukle comment

SOPHIE ALBERT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with