^

Pang Movies

Kathryn, magiging kapitbahay nina Julius at Christine!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kathryn, magiging kapitbahay nina Julius at Christine!

MANILA, Philippines — Magiging neighbor pala nina Julius Babao at Christine Babao si Kathryn Bernardo sa village kung saan itinatayo ang bagong bahay ng actress. Sa laki ng bahay nito, madaling mahanap kapag may nagtanong dahil mala-mini mall daw sa laki.

Naka-tag din sa post ni Julius si Daniel Padilla, ang dating sa amin nito, magpapagawa na o magpapagawa rin ito ng bahay sa same village kung nasaan ang bahay ni Kathryn.

Naka-tag din sa post ni Julius ang mga bagong kasal na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Noon pa nababanggit na sa village rin kung saan nakatira ang mga Babao ang bahay ni Maine, bago pa lang ang bahay ni Maine at siya lang yata ang nakatira, wala siyang kasamang kapamilya. Baka doon na rin tumira si Arjo o puwede silang bumili ng bagong bahay kung ayaw ni Arjo na sa bahay ni Maine sila tumira.

Speaking of Arjo and Maine, hindi pa sila nagpo-post ng wedding photos nila sa kani-kanyang Instagram at ang naka-post pa lang at prenup photos nilang dalawa. Ang cute ng prenup video, nakapag-comment tuloy si Isabelle Daza ng “This video is sooo freaking cute!!! Can I be friends with you guys?!?!”

Carla, walang paliwanag sa ‘di pagrampa sa GMA Gala

Hanggang ngayon, tinatanong pa rin si Carla Abellana kung bakit wala siya sa GMA Gala Night 2023? Na-disappoint ang kanyang fans na ang pagrampa niya sa red carpet ang inaabangan dahil no show nga siya sa nasabing event.

Ayon pa sa fans niya, wala namang balita na lumipad siya pa ibang bansa, pero bakit daw wala siya? May nagtanong pa sa kanya kung ‘yung pinost niyang suot niya ay purple gown ba ang dapat suot niya sa GMA Gala Night, pero “no” naman ang sagot ni Carla.

Hindi na lang niya sinasagot ang maraming tanong, saka bakit sina Drew Arellano at Iya Villania na hindi rin dumalo sa event, hindi kinukulit tanungin? Sigurado namang may valid reason si Carla kung bakit she opted not to attend the event.

Busy yata siya sa paglilipat sa bago niyang bahay at sa isang post nga nito, makikita ang three fur babies niya na nasa stroller. Makikita rin sa tabi ng three dogs ang mga kahon na naglalaman ng mga gamit niya na dadalhin sa bago niyang bahay.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with