^

Pang Movies

Filmfest sa Japan, binigyan ng award si Sanya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Filmfest sa Japan, binigyan ng award si Sanya
Sanya Lopez

Natapos na noong Linggo ang Jinseo Arigato film festival sa Japan at sa awa naman ng Diyos, may isang Pinay na nanalo ng award, si Anna Jalandoni na nanalong Most Promising Actress para sa kanyang pagganap sa isang pelikulang siya rin ang nag-produce, ang Manipula.

Dumating din sa awarding ceremonies ng nasabing festival ang ilang stars ng GMA kasama ang president ng GMA Films na si Annette Gozon Valdes. Naroroon si Bianca Umali na siyang bida sa pelikulang Mananambal, ganoon din sina Kelvin Miranda at Sanya Lopez.

Binigyan din ng award si Sanya Lopez bilang best television actress, at ganoon din naman si Alden Ri­chards na bagama’t hindi nakadalo ay siyang napiling best Filipino actor. Nakakatuwa naman at hindi na-zero ang Pinas sa isang international film festival. May ilang pelikulang Pilipino pang nakasali sa festival na hindi napansin ng mga hurado.

Vilma, ‘di na pwede sa FAMAS

Dito naman sa atin noong Linggo ng gabi ginawaran si Vilma Santos ng kanyang ikatlong “circle of excellence award” ng FAMAS para sa kanyang performance sa pelikulang When I Met You in Tokyo.

Iyon lang ang kaisa-isang pelikula na ginawa ni Ate Vi noong 2023 na nagpanalo sa kanya ng best actress sa Metro Manila Film Festival at sa 1st Manila International Film Festival na ginanap sa USA. At ngayon iginawad pa sa kanya para sa pelikula ring iyon ang kanyang ikatlong circle of excellence. Iyang circle of excellence ay ipinagkakaloob ng FAMAS sa mahusay na performance ng isang artistang naiakyat na nila sa kanilang Hall of Fame. Si Ate Vi dahil nakalimang best actress awards na nga siya ay iniakyat na ng FAMAS sa kanilang Hall of Fame.

Richard at Barbie, namarites sa SK

Ang mga tsismis nga naman ngayon talagang hindi na maitago ng mga artista. Isipin ninyo sa South Korea na nga nagtungo sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial may nakakita pa sa kanila roon nakunan sila ng pictures at nai-post sa social media.  

Grabe pa sa paparazzi iyang mga nasa social media na wala nang pakialam sa privacy ng mga artista basta nakita nila kukunan agad ng pictures at tapos ipo-post na sa kanilang social media account. Dumarami nga naman ang mga tumitingin sa kanilang posts at dahil doon pinapasukan sila ng mga commercial at kahit na papaano pinagkakakitaan nila ang pagiging marites nila.

Kung sa bagay mas ok na sa amin iyong mga marites sa social media kaysa naman sa mga nambubudol na nagbebenta ng kung anu-anong kasangkapang substandard at mga gamot na hindi dumaan sa FDA. O iyong mga doctor na nagkalat ang mukha sa social media at nagmamalaki pang sila ay cardiologist, endocrinologists, ophthalmologists, basta sa lahat ng linya kung sabihin sila ang espesyalista pero hindi mo malaman kung bakit sa husay nila, lagi na lang silang nasa internet at mukhang walang pasyenteng kumokonsulta sa kanila.

 

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with