^

Pang Movies

Yassi, nagpapatikim sa bf na pulitiko kahit nasa stage

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Yassi, nagpapatikim sa bf na pulitiko kahit nasa stage
Governor Luigi Villafuerte at Yassi Pressman

Reading comments sa super passionate kiss nina Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte and Yassi Pressman, hindi lahat natuwa. Tinawag pa ngang “tikiman” ang ginawa ng dalawa sa harap ng mga taga-Camarines Sur.

Tinawag na “cheap” si Yassi dahil sa ginawa sa kanya ng boyfriend. Hindi raw siya nirespeto nito at bakit daw hinayaan siyang tratuhin ng ganun? May mga dumepensa sa kanya, ramdam daw nila na nire-resist nito ang ginawa ng boyfriend, nagpumiglas daw ito, kaya lang, mas malakas si Gov. Luigi.

May nagpamukha sa kanya na red flag ang BF niya at sa halik nito sa kanya, ipinakita lang kung sino ang nasusunod sa kanilang relasyon. Sa tanong kung walang nag-boo sa ginawa ng BF ni Yassi, wala raw dahil bukod sa nabigla ang tao, natuwa na rin na libre silang nakapanood ng X-rated scene.

Bale ba, mukhang in-love na in-love ang gobernador kay Yassi dahil sa reels post nito na nagsasayaw, nag-comment ito ng “Ganda mo.” Biniro tuloy siya na super love niya si Yassi at suwerte siya rito. Pakiusap ng fans ng aktres, ‘wag niya itong paiiyakin at sana raw, hindi sa breakup magtapos ang relasyon nila.

May nag-comment pa na dahil sa BF, tila napapabayaan ni Yassi ang kanyang career. Gaya na lang daw sa Black Rider, si Angela Khang na ang bini-build up na leading lady ni Ruru Madrid at hindi na siya.

Sanya, nirereto kay Dominic!

Binibiro si Dominic Roque na balik siya sa third wheel era dahil sumama sa date nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Ginagawa na raw nito na sumama sa date ng mga kaibigan niya kahit noong hindi pa niya girlfriend si Bea Alonzo. Ngayong, single na uli siya, balik siya sa pagsama sa friends niyang may mga dyowa.

Heto nga at sumama siya sa lakad nina Gabbi at Khalil at mukha namang enjoy ang mag-dyowa na kasama nila ito. Ang sabi pa nga ni Gabbi, “my boysss.”

May mga nag-suggest na sana isama ni Gabbi si Sanya Lopez minsan sa lakad nila nina Khalil at Dominic. Parang nirereto nito sina Dominic at Sanya, pero ang sagot nang tanungin kung bakit si Sanya, ang sagot ay dahil friends sina Sanya at Gabbi.

Actually, walang masama kung magkasama sa lakad sina Dominic at Sanya dahil pareho silang single, kaya lang, hindi gugustuhin ng mga umaasa pa ring magkabalikan sina Dominic at Bea kung may ibang girl na mali-link sa kanya. Para sa kanila, wala pang karapatan si Dominic na mag-move on, lalo na kung mali-link sa ibang girls. Si Sanya pa ang magi­ging kontrabida, kaya tama ang reaction ng ibang netizens na ‘wag na itong ireto kay Dominic at maba-bash lang ito.

Piolo, kinol out ni Ate Vi!

‘Katuwa si Piolo Pascual sa FAMAS nang amining marami siyang nainom, kaya hindi na napasalamatan ang iba pang gustong pasalamatan. May parte pa nga sa kanyang acceptance speech na paulit-ulit ang mga sinasabi niya, napansin ‘yun ng audience at nagtawanan.

Pabiro ring kinol-out ni Vilma Santos si Piolo at sinabihang “lasing ka na anak,” pero in-encourage pa rin na ituloy ang kanyang speech. May parte pa nga na nagtatalon sa tuwa si Piolo sa pananalong best actress ni Kathryn Bernardo na parang siya ang nanalo.

Nanalong best actor si Piolo para sa pelikulang Mallari, tie sila ni Alfred Vargas na nanalo para naman sa pelikulang Pieta. Sa sobrang saya siguro ni Piolo, kaya napainom ng marami. Kasama na rin sa tuwa nito na maraming napanalunan ang nasabing pelikula at kumita pa, kaya may rason to celebrate.

Second time na ni Piolo na manalong best actor sa FAMAS, nanalo na rin siya noong 2024 for the movie Milan.

vuukle comment

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with