^

Pang Movies

Diego, pinakita na ang mukha ng anak!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Diego, pinakita na ang mukha ng anak!
Alexis, Hailey at Diego

Bininyagan na ang baby girl ng aktor na si Diego Loyzaga sa yoga instructor na si Alexis Suapengco na si Hailey at kasabay nito ay nagselebreyt na rin ito ng kanyang 1st birthday.

Nilantad na nga ng aktor ang kanyang baby girl na matagal din bago niya ipinakita ang kabuuang mukha nito.

Makikita ang mga litrato nila sa birthday celebration ng kanilang panganay kung saan puno ang loob ng venue.

Meron ding video ng selebrasyon kung saan makikita rin ang mga showbiz personalities na dumalo kagaya ng mag-asawang Billy Crawford, Coleen Garcia kasama ang anak nilang si Amari, ang aktres na si Julia Barretto na makikitang isinasayaw ang kanyang inaanak, Janno Gibbs at marami pang iba.

Hindi naman ito pinalagpas ng lolo at lola ng daughter ni Diego na sina Teresa Loyzaga at Cesar Montano, at pati na rin ang mga anak ni Sunshine Cruz na mga kapatid ni Diego kay Cesar.

Maaalalang tinawag ni Diego na ‘best birthday gift ever’ ang anak nakaraang taon pero hindi pa niya nilalantad ang detalye tungkol sa kanyang partner.

Nasangkot din ang anak ni Cesar sa intriga nang akusahan siya ng kanyang partner na pinalayas sa kanilang tahanan para sa isang babae at sinabi nitong pinagbantaan din daw siya nito na hindi nito susustentuhan ang kanilang anak kung hindi nito buburahin ang kanyang post.

Sinagot naman ng aktor na “will be taken care of definitely” ang kanilang baby.

Bongga.

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with