Heart, mas bumigat ang trabaho sa Senado
Mabigat ang bagong responsibilidad ni Heart Evangelista bilang asawa ni Senate President Chiz Escudero.
Si Heart ang nakatalagang mamumuno ng Senate Spouses Foundation bilang wife ng Senate President.
Mababago ang daily routine ni Heart dahil sa bagong responsibilidad. Siyempre naman, hindi siya pababayaan ni Senator Chiz.
Teka, paano na ang ibang activities ni Heart bilang fashion icon? Magawa pa kaya niyang pumunta sa mga fashion event sa ibang bansa kung saan nakilala na rin siya?
Mas maraming mata na ang tututok ngayon kay Heart bilang pinuno ng Senate Spouses Foundation, huh!
Alfred at Direk Louie, nanalo ng FAMAS
Namigay muli ng awards ang FAMAS nitong 72nd year ng pamamahagi.
Maraming umaasam-asam na magkaroon sila ng FAMAS award mula nang magsimula ito. Eh nang dumami ang award-giving bodies, inakala ng nasa showbiz na matitigil na ang pamimigay ng FAMAS ng awards.
Pero heto, dumami man ang award-giving bodies at may binabatong intriga, there’s not stopping ang bumubuo ng FAMAS!
Congratulations sa winners ng FAMAS lalo na sina direk Louie Ignacio at Konsehal Alfred Vargas!
- Latest