^

Pang Movies

Sunshine, nilantad ang totoong rason ng breakup nila ni Macky!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Isa sa mga naitanong ni Karen Davila kay Sunshine Cruz nang mag-guest si Sunshine sa kanyang YouTube channel ay ang breakup nito at Macky Mathay. Ikinuwento naman ng aktres ang nangyari at kung paano nagwakas ang kanilang almost six years relationship.

“lmost 5 days bago mag-6th anniversary kami nakipaghiwalay ako sa kanya. Lock in taping pa ‘yun. Through message I said na I don’t think may patutunguhan pa ‘tong relationship,” ani Sunshine.

Ang inirason ni Sunshine sa pakiki­paghiwalay kay Macky ay dahil nga hindi raw nagle-level up ang kanilang relasyon.

“Nakita ko lang, Ms. Karen, na parang hindi nagle-level up ‘yung relationship. Hindi nagmu-move. Don’t get me wrong , he’s a good guy. I love his children. Pero siyempre, at this point in my life, I am 45 parang siyempre naghahanap na tayo ng relationship na kahit papaano lume-level up. Hindi ‘yung diretso lang kasi magsi-six years na. I give him a chance, no regrets naman, he was a good guy.”

Ayon pa kay Sunshine, hindi niya hinintay na makasal kay Macky at hindi na raw niya gustong magpakasal.

Pero, umaasa si Sunshine na magmahal uli kahit may mga hindi magandang nangyari sa kanyang buhay pag-ibig.

Julie Anne, may pasabog sa Showtime!

This Monday, guest si Julie Anne San Jose sa It’s Showtime para mag-promote ng movie nila ni Rayver Cruz na The Cheating Game na showing sa July 26, sa mga sinehan nationwide. May pasabog na performance raw na gagawin si Julie para sa guesting sa noontime show ng ABS-CBN.

Sa isang interview, natanong si Julie kung maggi-guest ba siya sa It’s Showtime at “oo naman” ang kanyang sagot. Nakuwento nga nito na dapat kasama siya nina Barbie Forteza, Rayver at Rodjun Cruz na maggi-guest sa pilot airing ng show nina Vice Ganda sa GTV, hindi lang nag-swak sa kanyang schedule. Bukas siya matutuloy, hindi nga lang kasama si Rayver.

“Oo” rin ang sagot ni Julie kung maggi-guest din ba siya sa Eat Bulaga ng Tape Inc., hindi pa lang siya nai-schedule. Ang hindi puwede kay Julie ay ang mag-guest sa E.A.T. ng TVJ at Dabarkads na sa TV5 umeere ang show eh, exclusive ang kontrata niya sa GMA Network.

Waiting ang fans ni Julie at ang JulieVer fans nila ni Rayver sa mga itatanong ng hosts ng It’s Showtime lalo na kung tungkol sa relasyon nila ni Rayver.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with