^

Pang Movies

Pinky, tinotoo ang sampal kay Jillian!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Pinky, tinotoo ang sampal kay Jillian!           
Jillian

Sa rami na ng nasampal ni Pinky Amador sa mga eksena, alam na raw niya kung papaano manampal nang hindi tumatama ang kaniyang kamay.

Pero may pagkakataon daw na ang mismong co-actor niya ang humihiling ng totoong sampal gaya ng nangyari sa isang eksena nila ni Jillian Ward sa Kapuso hit series na Abot Kamay na Pangarap.

Sa video ng Kapuso Showbiz News, sinabi ni Pinky na gumaganap bilang si Moira Tanyag sa kanilang afternoon series na walang tamaan sa mukha ang mga sampalan nila nina Dina Bonnevie at Carmina Villarroel.

Itinuro pa niya na kung kailangang patamaan ng sampal ang kaeksena, daliri lang ang dapat umabot sa mukha.

“Ang pananampal mo ‘yung fingers mo ‘wag mong papaabot sa palm. Para ito lang, dampi lang kumbaga,” paliwanag niya.

Kung kailangan naman na may tunog, dapat umabot sa kalahati ng palad.

Pero ayon sa batikang aktres, may pagkakataon na may mga kasamahan silang artista ang humihiling ng talagang sampal sa eksena dahil kailangan nila.

Ikinuwento ni Pinky na nangyari ito sa kanila ni Jillian, o Dra. Analyn Santos sa serye, nang kunan ang eksena nila sa umaga.

Pero dahil halos wala umanong tulog noon si Jillian, nakakatulog na ang young actress nang kukunan na ang eksena nila.

“Kaya nung time na darating na siya... sasampalin ko, pak!, hindi nasasabi ni Jillian ang dialogue niya,” kuwento ni Pinky.

Si Jillian umano ang nag-request mismo na patamaan na talaga siya ng sampal.

At nang gawin umano ang totoong sampal, sinabi ni Pinky na dire-diretso ang dialogue ni Jillian na may kasama pang buhos ng luha, at walang nakalimutang linya.

vuukle comment

PINKY AMADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with