^

Pang Movies

Nora, nagsalita sa naging alitan nila ni Matet!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nora, nagsalita sa naging alitan nila ni Matet!
Matet de Leon

Nagbigay na rin ng kanyang panig si Nora Aunor hinggil sa naging alitan nila ng anak na si Matet de Leon last December 2022 na nag-ugat nga sa gourmet tuyo.

Matatandaang nagalit si Matet sa ina nang kumpetensiyahin siya nito sa kanyang negosyong gourmet tuyo at talagang tumalak-talak siya sa kanyang social media account.

Noong Enero this year ay nagkaayos na rin naman ang mag-ina pero hindi pa natin naririnig ang panig ni Ate Guy tungkol dito.

Sa nakaraang guesting ng Superstar sa Fast Talk with Boy Abunda ay isa ito sa kanilang napag-usapan at ayon kay Guy, hindi raw niya alam na ikakasama ‘yun ng loob ni Matet.

“Yun naman kasi, hindi kami nagka… siguro may pinagdadaanan din ‘yung anak ko at hindi ko rin naman alam na may pinagdadaanan siya.

“Ang sa akin, nagkaroon ako ng ano na, ‘halika, maggawa tayo ng tuyo,’ ganyan-ganyan. Na hindi ko alam na ikakasama ng loob niya. So, ‘yun, nagkaroon ng sama ng loob. Pero katulad ng sinabi ko kanina, importante ‘yung nag-uusap,” ang paliwanag ni ate Guy.

Naibahagi rin niyang okay raw sila ngayon ng kanyang mga anak.

“Okay kami ngayon, dinadalaw ako ng mga anak ko. Si Ian (De Leon), kararating nga lang pala ni Ian, galing ng Japan, shooting. Pagka Sunday, pinapasyalan nila ako, lahat silang pamilya,” sey niya.

“Si Lotlot, lately nagkikita kami at pinuntahan din niya ako,” dagdag pa ni Guy.

Sa naturang panayam ay inamin din ni Nora na marami talaga siyang pagkukulang sa kanyang mga anak.

“May mga pagkakataon na siyempre, alam ng tao na hindi ko kasama ‘yung mga bata. Siyempre nami-miss ko rin naman sila.

“Meron kaming mga hindi pagkakaintindihan na sabi ko nga sa ‘yo, hindi ko naman itinatago. Pero ang importante doon, ‘yung nagkakausap kayo, nagkakaunawaan. Kung ano ‘yung pagkukulang ng mga anak, magbibigay ang ina.

“Kahit ano pa man ‘yon, sabi nga nila, nanay ka. Dapat ipakita mo sa mga anak mo kung ano talaga ang tama.

“So, may mga pagkukulang. Marami akong pagkukulang sa mga anak ko. Pero ‘pagka nagkikita naman kami, nasasabi ko ‘yung mga sama ng loob ko sa kanila, pinag-uusapan namin kung ano ‘yung dapat gawin. Nakikinig naman sila. Ang importante du’n, nagkakausap kami,” mahabang pahayag ni Nora.

Nabanggit din ni Ate Guy na gusto niyang makasamang muli sa isang pelikula ang kanyang pamilya.

Rabiya, handa nang pakasalan si Jeric!

Buong ningning na sinabi ni Rabiya Mateo na ready naman na siyang magpakasal sa boyfriend na si Jeric Gonzalez. Pero ‘yan ay after 2 years pa at hindi pa naman ngayon na agad-agad.

Natanong si Rabiya ng King of Talk na si Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda kung sakali bang makakatanggap siya ng marriage proposal ngayon ay tatanggapin ba niya.

Nauna kasi rito ay inamin niya kay Kuya Boy na ni-reject niya ang proposal ng ex-boyfriend niyang si Neil Salvacion kaya sila nagkahiwalay. That time raw kasi ay hindi pa siya ready mag-settle down dahil marami pa siyang gustong ma-achieve.

Pero ngayon daw ay iba na ang sitwasyon.

“During that time, I was just 23. And ngayon, tito Boy, parang feeling ko, na-fulfill ko na ‘yung pangarap for my family. Nabilhan ko na ng bahay si Mama. Nabigyan ko na sila ng savings, nakapag-ipon na po ako.

“Siguro, hindi agad-agad pero siguro in two years. Kasi Tito Boy, gusto kong maging nanay na. Parang I can see myself. Pero hindi lang naman kasi ‘yun ang desisyon na ako lang ang gagawa. Kami dalawa dapat ng partner ko,” sey ni Rabiya.

Habang nagsasalita ang beauty queen ay ipinapakita sa screen si Jeric kaya natatawa siya at nagpaliwanag talaga nang mabuti.

vuukle comment

MATET DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with