^

Pang Movies

Lyca, naisalba ng vlog sa pandemya

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Lyca, naisalba ng vlog sa pandemya

Ika-17th birthday noong November 21 ng kauna-unahang grand winner ng The Voice Kids Philippines at matagumpay na vlogger na si Lyca Gairanod with 1.79-M subscribers.

Si Lyca ang tumatayong breadwinner sa kanyang pamilya, ang kanyang mga magulang at walong kapatid maging ang kanyang lola.

Nabago ang pamumuhay ni Lyca at ng kanyang pamilya nang makapag-uwi siya ng isang milyong piso, isang house and lot at iba pang mga premyo nang siya ang tanghaling grand winner ng The Voice Kids – Season 1 in 2014.

Ang pagiging mangingisda ng kanyang ama at pamumulot nila ng mga kalakal (basura) ng kanyang ina at mga kapatid (since she was five) ay nahinto.

Limang taon silang nanirahan sa kanyang na­panalunang house and lot sa isang private subdivision pero pagkaraan ng limang taon ay nagdesisyon silang bumalik sa kanilang dating lugar in Tanza, Cavite dahil ayaw sumama sa kanila ang kanyang lola. 

Ang ginawa ni Lyca, ibenenta niya ang kanyang bahay at nagpatayo na lamang ng bahay malapit sa kanilang dating barung-barong kung saan nagpaiwan ang kanyang lola.

Naging malaking challenge kay Lyca at sa kanyang pamilya ang pagdating ng pandemya nung isang taon.  Mabuti na lamang at nakapagsimula na siya noon ng kanyang sariling vlog sa YouTube at ang kinikita niya sa pagba-vlog ang sumalba sa kanyang pamilya at ito pa rin ang kanyang source of income ngayong hindi pa rin bukas ang music and entertainment scene sa shows and concerts.

Hindi ikinakaila ni Lyca na siya’y pinagtibay ng kanilang kahirapan at mga karanasang pinagdaan habang siya’y lumalaki at ‘yun umano ang nag-udyok sa kanya na sumali sa iba’t ibang amateur singing contests sa iba’t ibang lugar sa Cavite at nakakapag-uwi naman siya ng premyo sa ilalim ni Coach Sarah Geronimo at kung saan niya nakapanabayan sina Darren Espanto at JK Labajo.

Unti-unti nang nagdadalaga si Lyka at age 17 at inamin nito sa amin na crush umano niya ang isa sa members ng hip-hop group na Ex-Battalion na si Flow G na tulad niya ay very inspiring umano ang buhay.

Dahil sa kita ni Lyca sa pagba-vlog, nakabili na siya ng van at siya rin ang nagpapaaral sa kanyang mga kapatid.

vuukle comment

LYCA GAIRANOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with