^

Pang Movies

Arci, nagliliwaliw sa amerika gamit ang RV!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Arci, nagliliwaliw sa amerika gamit ang RV!
Arci

Habang wala pang pinagkakaabalahang bagong teleserye si Arci Mun?oz, panay ang liwaliw nito sa iba-ibang lugar sa US. Nitong nakaraang weekends, bumiyahe ang aktres sa isang road trip ng higit na 11-hours gamit ang RV or Recreational Vehicle.

Pinost ni Arci via Instagram ang kanyang photo katabi ang nirentahang RV na minaneho niya ng 706 miles across three states para makarating ng Denver, Colorado papuntang Arizona.

Kasama ni Arci ang ilang mga kaibigan sa kanyang road trip at pinakita niya via IG video ang loob ng RV at kung saan sila nagluluto at natutulog na magkakaibigan.

Nagawa ng aktres na mabisita si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa Los Angeles bago ang naging laban nito sa Las Vegas noong nakaraang August 22.

Nagpapirma pa si Arci kay Pacman sa kanyang dinalang boxing gloves.
Bukod sa pagiging artista, nagsisilbi rin bilang sergeant si Arci sa Philippine Air Force Reserve Command.

Huling napanood si Arci sa Kapamilya teleserye na Walang Hanggang Paalam.

Kyline, enjoy kay Mavy

Inamin ni Kyline Alcantara na mas naging close sila ni Mavy Legaspi habang nasa lock-in taping sila ng teleseryeng I Left My Heart in Sorsogon.

Ayon sa mga nakasama nila sa taping, mukhang puwedeng mauwi sa higit pa sa pagkakaibigan ang pagtitinginan ng dalawang Kapuso stars.
Nasabi na before ni Mavy na “best feeling” ang makatrabaho si Kyline dahil nag-e-enjoy siya sa kanilang tawanan at kulitan sa set ng kanilang kinabibilangan na teleserye.

Panay naman daw ang tukso sa kanila ng kanilang co-stars na sina Heart Evangelista-Escudero, Paolo Contis at Richard Yap.
“Number one na nang-aasar sa amin si ate Heart. Second si Kuya Pao. Third si Tito Richard. For me, no one knows the future. But right now I’m just really enjoying the moment,” sey ni Kyline.

Pruweba nga naman ang mga nag-viral na photo nila Mavy at Kyline na very sweet na magkasama sa kanilang location set sa Sorsogon. Ayon sa ilang netizens, lalong lumalalim ang dimples nila kapag magkasama sila.
Simpleng sagot naman ni Mavy: “Kung ano man ang mangyari, it is what it is.”

vuukle comment

ARCI MUN?OZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with