^

Pang Movies

Kim, pinagtawanan na lang ang pang-uurot sa paglalantad ni Xian

Salve V. Asis - Pang-masa
Kim, pinagtawanan na lang ang pang-uurot sa paglalantad ni Xian
Kim

MANILA, Philippines — “We love all the Kims and we love you Kimmy,” mabilis na sabi ni Anne Curtis na agad lumapit at yumakap kay Kim Chiu kahapon sa It’s Showtime.

Hirit naman ni Vhong Navarro : “Gusto mo bang magsampol Kim?”

Hanggang dumagdag si Anne ng “Anong gusto mong kantahin?”

Sumingit naman si Jhong Hilario : “Gusto mo interbyuhin ka na lang namin.”

 “Hindi. ‘Huwag gano’n, hindi masakit,” ang maiksing sagot ni Kim sa pang-aasar ng kanyang mga co-host sa It’s Showtime sa segment ng TNT Kids Season 2 kung saan bumalik ang grand winner na si Kim Hewitt.

Kinulit-kulit nga si Kimmy ng mga kasama sa show matapos kumalat ang interview sa Esquire ni Xian Lim na inaming dating sila ng film producer na si Iris Lee.

Kinumpirma rito ng ex ni Kim na may relasyon sila ni Iris Lee, line producer ng Viva Films.

Sa exclusive interview ng aktor sa Esquire na inilabas last Thursday, nagsalita siya sa matagal-tagal na ring intriga. “Yes, I’m seeing Iris,” kumpirmasyon ng actor.

Cristy, kumasa sa cyber libel ni Bea

Palaban si Nay Cristy Fermin sa demanda ni Bea Alonzo na Cyber Libel.

Aniya kahapon sa kanyang radio show “I will see you in court.”

Tama naman. Sabi ko nga dati pa, beterano na siya, kumbaga inugatan na sa mga demanda sa showbiz si Nay Cristy.

Makakatulong kaya sa career ni Bea ang nasabing demanda?

Anyway, kaninang tanghali, sa programang Cristy Ferminute, nabanggit ni Nay Cristy na kaarawan ng pumanaw na ina niya at dinalaw daw niya ito sa puntod kaya hindi siya nakakasagot sa mga nanghihingi sa kanya ng statement.

“Alam ko po may mga hinihintay kayo (CFM’ers) na tugon ngayong araw na ito dahil kahapon po ay nagsampa si Bea Alonzo ng libelo laban sa inyong lingkod, kay Ogie Diaz at sa iba pa naming mga kasama

“Wala pa po akong detalyadong maibibigay sa inyo dahil wala pa po kaming hawak na impormasyon. Hindi pa po namin alam kung anu-ano ba ang nilalaman ng kanyang sinumpaang salaysay kung bakit siya nagdemanda ng kasong libelo.”

Dagdag pa niya : “Ang libelo po, cyber libel o cyber bullying na tinatawag nila ay kakambal ng aming propesyon. Ito po ay parang dila at ngipin na magkasama. ‘Di po maaring paghiwalayin.

“Pero napakalayo pa po ng tatakbuhin ng kasong ito (dahil) magpapalitan pa po kami ng aming mga sinumpaang salaysay at ang prosekusyon na po ang magdedesisyon kung sino ba ang nasa tama at kung sino naman ang nasa panig ng mali.

“Hindi po natin ito mapupuwersa para sa atin ang manghusga kung sino sa panig namin ni Bea Alonzo ang nagkasala (at) nasa husgado na po ‘yan.

“Hindi lang po naming matatanggap ni Ogie Diaz ‘yung kanyang kampo sa pagsasabi na ang aming daw pong vlogs ay ginagawa para lamang magkaroon ng mataas na views at pagkakitaan si Bea Alonzo.

“Ang programa po ni Ogie Diaz, ang kanyang vlog ang ‘Showbiz Now Na’ (at) maging ito pong ‘Cristy Ferminute’ ay dinisensyo hindi lamang po para kay Bea Alonzo.  Ito po ay para ibalita ang lahat ng kuwento positibo man o hindi tungkol sa mga personalidad na tinatawag po nating public figures.

“At bilang pampublikong pigura po sila ay kami naman po ang nagtatawid ng mga balita tungkol sa kanila hindi po naming maaaring puhunanin si Bea Alonzo lamang para kumita ang aming mga vlogs, mali po iyon.

“Lahat ng mga kuwento ay ilalatag po namin at depende na lamang po ‘yan sa pagtanggap ng mga personalidad na aming tinatalakay.”

“Kayo po ay public figures kayo po ay nabubuhay sa loob ng aquarium sabi ko nga at gasgas na ang linya kong ito, kayo po ay mga isda sa loob ng aquarium ang publiko po ay nakatanaw sa inyo bawa’t galaw ninyo, bawat ikot n’yo, marami pong nakatanaw, wala kayong maaring ligtasan (dahil) public figure kayo huwag masyadong balat sibuyas, pero ‘yung karapatan mo Bea Alonzo para magsampa ng kaso laban sa amin ni Ogie Diaz at sa iba pa naming mga kasama ‘yan ay hindi namin hinaharangan.

“Pero kung ito ang naging dahilan para busalan ninyo ang aming bibig, opinion at malaya naming pamamahayag ay nagkakamali kayo!

“Gumawa ka ng maganda, Bea Alonzo, patuloy kitang papalakpakan, patuloy kitang pupurihin pero kapag ika’y nagkakamali at sablay ang iyong ginagawa sa mata ng publiko at sa aming panlasa, ikaw ay aming papaalalahanan at tatapikin!

“Sabi nga kayo ang nagdemanda, ikaw, Bea, ang nagsampa ng kasong libelo laban sa akin, kay Ogie Diaz at sa aming mga kasama ano ang ating mga sinasabi, we will see you in court.”

Darren, hinarap ang isyu ng puso

Binisita ni Bernadette Sembrano ang Kapamilya star na si Darren Espanto habang nag-eensayo para sa kaniyang nalalapit na 10th anniverary concert, ngayong Linggo (May 5) sa Tao Po.

Nagbalik-tanaw ang Asia’s Pop Heartthrob na si Darren sa kaniyang karera mula sa kaniyang pagsali sa The Voice Kids hanggang sa kanyang pagpasok sa larangan ng pag-arte.

Ibinahagi niya nang may kasiyahan ang mga tagumpay sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap, kasama na rito ang kaniyang pagtatanghal sa entablado ng ASAP Natin ‘To at ang pagkakataong makasama ang isang partikular na artistang matagal na niyang hinahangaan. Bukod dito, walang takot niyang hinarap ang mga usap-usapang umiikot sa kaniyang buhay pag-ibig.

Samantala, kinilala naman ni Zyann Ambrosio ang taong nasa likod ng pintadong mukha ng mime artist at living statue na si Rodel Bartido na mas kilala bilang Pinturados. Ibinahagi ni Rodel kung paano niya natagpuan ang bokasyon habang nagtatrabaho bilang isang tour guide, at ang mga hamon na kaniyang hinarap sa pagtahak sa landas ng pagiging isang street performer. Kasama si Zyann, ipinamalas ni Pinturados ang kanyang antics sa Quezon Memorial Circle sa ABS-CBN Grand Kapamilya Summer Fair noong Abril 27.

Matapos ang 50 taong malunod sa tubig ng dam ang bayan ng Pantabangan ay muling nag-resurface ito dulot ng mainit na panahon. Dala ng pangyayaring ito, nagpasya si Kabayan Noli De Castro na dumayo sa Nueva Ecija upang makasama ang dalawang magkapatid na ipinanganak at pinalaki sa bayan—ang 83-anyos na si Sonia Cuario at si Agripino Vargas. Magkasama nilang binalikan ang kanilang dating mga paboritong lugar matapos ang limang dekada.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with