^

Pang Movies

Simon, kinaaasaran ­

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Simon, kinaaasaran            ­
Simon

Marami ang nagtatanong sino raw ang bagong mukhang kontrabida ni Coco Martin sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Mukha raw maangas at mabalasik makipag-usap sa mga kasama sa naturang taping sa Batangas. Imagine kahit si Richard Gutier­rez ay walang takot niyang hinahanting dahil sa pagkamatay ng anak?

Well, si Simon Ibarra ang promising na kontrabidang kinaaasaran ngayon ng followers ni Cardo Dalisay. Si Christian Vasquez nga ay sinumbatan ni Simon na naging sanhi ng pag-aaway nilang mag-asawa na ginagampanan ni Kring Kring Gonzalez. Si Simon ay malimit gumanap ng bit role pero natuklasang powerful palang umarte bilang kontrabida.

Nakapagbida na rin si Simon noong panahon masigla ang action movies ng independent producers noon sa Escolta.

Willie, naudlot ang pagma-manage kay jlc

Kung totoong kakandidato ngayong coming election si Willie Revillame, imposible ngang i-ma­nage niya ang career ng comebacking actor na si John Lloyd Cruz sa rami ng mga trabaho niya sa Wowowin.

Hindi nga makakayanan ng TV host na mag-manage pa ng artista and besides, hindi na rin niya masosolong i-manage si Lloydie dahil naunang nabalita na si Maja Salvador ang bagong manager ng aktor.

Gov. Daniel, wala nang oras sa showbiz

May mga offer na teleserye si Bulacan Governor Daniel Fernando pero hindi niya matanggap dahil mabigat ang tungkulin niya sa Bulacan bilang Governor at imposibleng magbalik-telebisyon kahit maganda ang role. Inaasikaso niya ang pagbabakuna sa mga kababayan against COVID na medyo humuhupa na ang paglaganap ng naturang salot galing China.

Nakapagpamigay na rin si Daniel ng pinansyal na tulong panghanapbuhay sa mga lumalapit sa kanya sa Municipal Office ng Malolos.

May balitang walang ibig tumakbo at lumaban kay Daniel ngayong darating na eleksyon.

Happy birthday…

Birthday greetings sa June-born celebrants tulad nina John  Lloyd Cruz, Ruffa Gutierrez, Jake  Cuenca, Maureen Mauricio, Biboy Arboleda, Efren Reyes at advance happy birthday kay ex-First Lady Imelda Marcos sa July 2.

vuukle comment

ANG PROBINSYANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with