^

Pang Movies

Clint tuloy na naman ang mahihiwagang post!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Balik na naman sa mga mahiwagang post si Clint Bondad.

Yup, though no mention ng names ng ex niyang si Catriona Gray and current BF nitong si Sam Milby.

Diumano ay nagtatanong-tanong din si Catriona ngayon kung anong puwedeng gawin para tuluyan na siyang tantanan ng ex.

Maalala ring nagpunta ng NBI ang dating beauty queen para isumbong ang mga nagkalat ng kanyang altered nude photo.

GMA Affordabox maraming bonus features

Successful ang naging launch ng Kapuso Network ng sarili nitong digital TV receiver – ang GMA Affordabox.

Marami ang natuwa sa kakaibang features nito lalo na ang pagkakaroon ng personal video recorder kung saan maaari nang ma-record ang mga programa ng GMA.

Gaya ng pangalan nito, sulit at abot-kaya ang GMA Affordabox dahil wala na itong dagdag na bayad pa matapos ang one-time purchase na P888.

Madali rin itong maikonekta sa isang analog TV upang makasagap ng digital broadcast kung saan mapapanood ang GMA, GMA News TV, at Heart of Asia nang mas malinaw at mas makulay kasama na rin ang iba pang free-to-air digital TV channels sa kanilang lugar.

Wala ring pay-per-view channels o shows ang GMA Affordabox dahil hindi ito gumagamit ng Conditional Access System (CAS).

Marami rin itong bonus features at maaari rin itong maging multimedia player gamit ang USB port at may nationwide Emergency Warning Broadcast System (EWBS) na nagbibigay-babala sa bawat tahanan para mas maging handa sa anumang klase ng emergency sa kanilang lugar.

Mabibili ito sa appliance stores at online sa GMA Store na makikita rin sa Shopee at Lazada. Available ito sa Metro Manila, Benguet, La Union, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bohol, Cebu, Leyte, Davao de Oro, Davao del Sur, at Davao del Norte.

vuukle comment

CLINT BONDAD

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with