^

Pang Movies

Mon parang tatay ng anak ni Ynez

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mon parang tatay ng anak ni Ynez
Mon

Tinukso si Mon Confiado ng mga reporter na nagkabalikan na sila ni Ynez Veneracion dahil ang aktres at anak nito ang kasama ng aktor sa premiere night ng Miracle in Cell No. 7. Pero sabi ni Mon, friends na lang sila ni Ynez at malalim ang friendship dahil very close ang aktor sa anak ng ex-GF.

Alam ng bata na hindi siya ang kanyang ama, pero si Mon pa rin ang kinikilala nitong ama. Lumalabas sila at mas madalas pang mag-text kesa kina Mon at Ynez. In fact, ang alam sa Eastwood kung saan madalas mamasyal sina Mon at ang Ingleserang anak ni Ynez, siya ang ama ng bata.

Sa premiere night nga, kay Mon nakadikit ang bata.

Anyway, tama ang sinabi ni Aga Muhlach na mahuhusay ang mga kasama niyang actor sa Miracle in Cell No. 7 na kinabibilangan ni Mon.

Ginagampanan nito ang role ni Choy, kasama sa kulungan ni Joselito (Aga) at itinuturing na henyo, wais at pinakamatalino sa grupo.

Barbie at Kate papalit sa One Of The Baes

Nakakatuwa ang teaser ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Kate Valdez at gumaganap nilang mga ina respectively sina Snooky Serna at Dina Bonnevie.

Swak na swak ang pagsasalita ng Waray nina Barbie at Snooky at ang pag-i-Ilokano nina Kate at Dina Bonnevie. Hindi halatang nahirapan mag-aral ng Waray at Ilocano sina Barbie at Kate na sinabi nila sa interview habang nagle-lesson ng Waray at Ilocano.

Sa kanyang post kahapon, nasa Tacloban si Barbie at nagpa-picture sa San Juanico Bridge. Sabi nito, nagpa-picture siya habang nagse-set up ang production. Nakakatuwa ang Instagram (IG) ni Barbie dahil marami sa nagko-comment ay sa salitang Waray. Mas matututo nitong mag-Waray ang aktres.

Tama ba kami na ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday ang papalit sa One of the Baes?

vuukle comment

MON CONFIADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with