^

Pang Movies

Stuntmen damay sa pagkawala ni Lito sa AP

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Usap-usapan ang death scene ni Sen. Lito Lapid sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Kailangan na kasing tuldukan ang role niya dahil tatakbo siyang senador this coming election.

Wala namang dapat panghinayangan dahil mahigit isang taon din siya sa said TV series.

Problema lang, sa pag-babu ni Lito ay maraming ma­dadamay. Kasama na rito ang mga hila-hila niyang stuntmen. Malaki ang pasasalamat ng mga ito dahil kung hindi dahil sa dating senador, hindi sila makakapasok sa bakuran ng Kapamilya.

May nagbulong nga sa dami ng stuntman sa eksena, iba sa mga ito ay binabayaran na niya ang talent fee

Rowell kailangan ng suklay

Maraming natutuwa kay Rowell Santiago sa pagganap niya bilang dating pangulo.

Mabuti na lang daw at barako si Rowell at handang makipaglaban sa mga kaaway. Kung lalampa-lampa kasi ang character niya ay baka bumulagta na lang siya sa eksena.

May nagbulong sa amin na pabiro, gusto niyang regaluhan ng suklay si Rowell ngayong coming Valentine’s day.

Masyado raw kasing makapal ang buhok ng aktor at tumatabing ito sa mukha niya.

Alden may bagong project sa Siete

Balitang may bagong project na niluluto ang GMA para kay Alden Richards na ilalaban sa serye ng Kapamilya network.

Agad na may nagpayo na sana raw ay huwag nang kagaya ng Victor Magtanggol na nagsimula sa drama at nagwakas naman sa fantasya de ko­medya.

Sana ay makatambal niya si Maine Mendoza para siguradong patok ito.

Amanda tumulong sa mga taga-talayan

Mahigit 300 pamilya ang binigyan ng pagkain at tulong ng barangay Sto. Domingo headed by Amanda Amores at kapitana Michel China Yu sa mga taga-Talayan. Hindi nila sakop ang nasabing lugar pero pagdating sa pagtulong ay wala raw silang pinipili.

Kaunting balik-tanaw, si Amanda ang pumulit kay Bulacan Vice Governor Daniel Fernando na ituloy ang pag-aartista. Nagkasama sila sa Scorpio Nights noon.

Personal…

Birthday greetings sa mga February born celebrities/personalitues na sina  Freddie Aguilar, Dulce Lucban, Malou Santos, JC Bonnin, Llyod Samartino, Myra Manibog, Martin Nieverra, Jenny Miller, Letty Celi at Gerry Ocampo.

vuukle comment

AMANDA AMORES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with