^

Pang Movies

Relasyong Sam at Anthony, nangangamoy kasalan

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Relasyong Sam at Anthony, nangangamoy kasalan
Anthony Semerad at Sam Pinto

Alam mo, Ateng Salve, may mga nakakatsikahan ako na nagsasabing baka mauwi sa kasalan ang relasyong Anthony Semerad at Sam Pinto.

Sa mga posting kasi ng dalawa sa social media accounts nila ay halos hindi na talaga sila mapaghiwalay.

Pero sabi naman ni Anthony, hindi pa nila napag-uusapan ang bagay na ‘yon, kaya naniniwala naman ako na wala pang kasalang magaganap ngayong darating na 2019!

Pero ‘yung sobrang pagka-in love sa isa’t isa ay wala namang duda.

Anyway, may mga bagay na pinaplano ang PBA (Philippine Basketball Association) player at ang sexy actress, pero hindi pa puwedeng i-reveal ang tungkol doon.

Basta may exciting silang pinaplano tungkol sa kanilang mga career!

Vice relax-relax sa Europe, walang paki sa mga pamimintas sa pelikula

Masaya ang bakasyon ni Vice Ganda sa Europe dahil patuloy na nakakarating sa kanya ang balitang sobrang lakas pa rin sa takilya ng Metro Manila Film Festival 2018 entry nila na Fantastica nina Ri­chard Gutierrez, Dingdong Dantes, Jaclyn Jose, Maymay Entrata, Edward Barber, Kisses Delavin, Donny Pangilinan, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Bela Padilla at marami pang iba.

Lalo nga raw ginaganahan sa pamamasyal si Vice kasama ang kanyang pamilya’t mga kaibigan dahil sa ipinararating na report sa kanya ng mga taga-Star Cinema tungkol sa Fantastica.

So, may mga paninira man sa Fantastica ang ibang hindi matanggap ang pagiging number one ng pelikula ay hindi naman affected ang box-office success nila, ‘noh?!

Puring-puri nga pala si Vice ng mga kasama niya sa Europe-trip nilang ‘yon dahil sobrang generous daw ng comedian/TV host, huh!

Oo nga pala, pagbalik daw ni Vice sa bansa ay may victory/thanksgiving party ang Star Cinema at Viva Films para sa tagumpay ng Fantastica!

Young love team na may kanya-kanyang love life, nagpapaka-normal

 Nagre-rejoice ang fans ng young love team na ito sa balitang pagtatambalin uli sila ng kanilang mother TV network.

Pero magtambal man uli sila, nangangahulugan ba ‘yon na mabubuhay uli ang relasyon nila?

Kalat kasi ang balitang isang hunk actor na kasamahan niya sa TV network na ‘yon ang karelasyon ni young actress.

Si young actor naman, natsitsikang in love raw sa isa pang young actress na sinasabing may pagka-maldita.

Well…

Ilang mga artista, balik-alindog ang New Year’s resolution

Uso na naman ang New Year’s resolution.

Karamihan sa mga artistang kakilala ko, balik-alindog ang resolution para sa 2019!

Bago pa matapos ang 2018 ay marami na ang nakakapansin na pumapayat sina Dina Bonnevie at Snooky Serna.

Si Maricel Soriano kaya ay pumayat na rin this 2019 lalo na at magsisimula na raw ang The General’s Daughter series nila ni Angel Locsin sa ABS-CBN?

Naku, Ateng Salve, I hope matupad ang balik-alindog plans ng karamihang celebrities, pati na rin ang plano kong pagpapaka-active uli sa Muay Thai para pumayat-payat naman for the New Year, huh!

Sa totoo lang kasi, sa sobrang stress ng trabaho ng mga taga-showbiz, parang ang hirap ding magpapayat dahil karamihan nga ay nag-s-stress eating, ‘noh?!

‘Yun na!

vuukle comment

ANTHONY SEMERAD

SAM PINTO.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with