^

Pang Movies

Goma kuntento na sa tahimik na buhay

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Goma kuntento na sa tahimik na buhay
Richard Gomez

Trailer pa lang ng movie nina Sharon Cu­neta, Richard Gomez, at Kathryn Bernardo na Three Words To Forever ay punung-puno na ng mga eksenang pampamilya.

Mas dama pa ng mga manonood ang pag-arte nila dahil sa official soundtrack nitong Show Me A Smile na si Sharon mismo ang kumanta.

Sobrang thankful ang fans ng loveteam nina Sharon at Goma dahil after 15 years ay muli silang nagkasama at nagkatrabaho sa iisang pelikula.

Natupad naman ang pangarap ni Kathryn na makatrabaho ang dalawa sa magagaling na artista ng industriya.

Bagay kay Goma ang role niya sa nasabing pelikula, isang ulirang asawa at ama. Sa mag-ina niya sa tunay na buhay na sina Lucy Torres-Gomez at Juliana Gomez lang umiikot ang kanyang mundo. Kuntento na siya sa tahimik na buhay sa Ormoc kung saan siya tumatayo bilang Mayor.

Hindi siya nauubusan ng mga pinipitas na prutas at gulay sa kanilang bakuran at ekta-ektaryang taniman sa kanilang lugar. Enjoy rin siya sa pag-aalaga ng hayop. Talagang healthy lifestyle ang pamilya ni Goma dahil sa pagkain ng mga sariwang gulay at isda.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with