^

Pang Movies

Singer-actor nabiktima ng blackmailer na may hawak ng video habang pinaliligaya ang sarili

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

How true na nagbayad ng malaking halaga ang isang singer-actor sa isang nagba-blackmail sa kanya para hindi lumabas ang isang scandalous video nito?

Bina-blackmail nga ang naturang singer-actor ng hindi matukoy kung lalake or babae ba ito na may hawak na ebidensya na puwedeng maging malaking eskandalo.

Noong una raw ay inakala ng singer-actor na niloloko at tinatakot lang siya kaya hindi niya pinapansin ang mga banta ng blackmailer.

Pero noong ipadala sa kanyang private message ang ilang screen shots ng kanyang scandalous video, doon na raw nataranta ang singer-actor.

May image siyang inaalagaan at ayaw niyang kumalat ang naturang video dahil tiyak na makakarating ito sa mga mahal niya sa buhay.

Humingi ng isang specific amount ang blackmailer at pinapa-deposit niya ito sa isang account.

Binalaan din ang singer-actor na huwag humingi ng tulong sa mga pulis dahil malalaman daw niya ito at ikakalat niya ang naturang video sa social media.

Dahil sa takot ay sinunod naman ng singer-actor pero ang kondisyon nito ay buburahin nito ang video kung saan may mga malaswa siyang ginagawa sa sarili.

Nangako naman daw ang blackmailer na hindi siya gagawa ng kopya at ipapadala niya rito ang isang USB na naglalaman ng video.

Nagsisisi na ngayon ang singer-actor kung bakit natukso siyang makipag-video chat sa isang babae. May hindi magandang kapalit pala ang ilang minutong pagpapaligaya niya sa harap ng kanyang laptop.

Dennis pinagkaguluhan ang mabortang katawan

Kaya naman pala bortang-borta ang katawan ngayon ni Kapuso Drama King Dennis Trillo ay dahil napapasabak siya sa matitinding action scenes sa aabangan na primetime teleserye with Dingdong Dantes na Cain at Abel.

Sa pinapakitang teaser ng Cain at Abel, makikita ang mga mahihirap na eksena nila Dong at Dennis.

Kasama sa mga daily workouts ng aktor ay ang kanyang hilig sa pagbisikleta.

Pinost nga ni Dennis ang isang video sa IG kung saan shirtless siyang nagbibisikleta.

Kitang-kita ang mga matitigas niyang abs na nagpakilig sa mga netizen.

Mac Miller drug overdose ang ikinamatay, Ariana sising-sisi

Nilabas na ng Los Angeles County Department of Medical Examiner Coroner ang cause of death ng rapper na si Malcom James McCormick a.k.a. Mac Miller.

Ang naturang rapper, na natagpuang patay sa kanyang bahay sa Studio City in California noong September 7, 2018, ay nakitaan ng mixed drug toxicity (fentanyl, cocaine and ethanol) sa katawan.

Ayon pa sa coroner, ang manner of death ni Mac Miller ay isang accident dahil sa mga napaghalong droga sa katawan niya kaya siya na-overdose.

Kabilang sa naapektuhan ng husto sa pagkamatay ni Mac Miller ay ang ex-girlfriend nitong si Ariana Grande.

Naghiwalay ang dalawa noong May 2018 pagkatapos ng dalawang taong relasyon.

Nag-pay tribute si Ariana sa kanyang ex-BF sa pamamagitan ng pag-post ng isang video on IG kung saan magkasama sila:

“i adored you from the day i met you when i was nineteen and i always will. i can’t believe you aren’t here anymore. i really can’t wrap my head around it. we talked about this. so many times. i’m so mad, i’m so sad i don’t know what to do. you were my dearest friend. for so long. above anything else. i’m so sorry i couldn’t fix or take your pain away. i really wanted to. the kindest, sweetest soul with demons he never deserved. i hope you’re okay now. rest.”

Nag-release pa ng isang single si Ariana titled Thank U, Next na para kay Mac Miller.

vuukle comment

MAC MILLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with