^

Pang Movies

Rochelle at Arthur babae ang magiging panganay

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rochelle at Arthur babae ang magiging panganay
Arthur at Rochelle

Mula sa Shibuya, Japan, ipinost ng mag-asawang Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan ang gender reveal nila sa coming first baby nila: “It’s a girl!” last November 1, habang nagbabakasyon sila roon kasama ang parents nilang mag-asawa. Doon nila tinanggap ang magandang balita mula sa doctor niya.

 

“Maraming salamat Lord! Iba ka! Excited to meet you soon Baby!” post ni Arthur sa kanyang instagram account at napuno siya ng pagbati, unang-una ang cousin niyang si @dongdantes

“Thank you God!!! Kung ano ang pinagpray namin yun ang binigay Mo! Grabe ang gift Mo sa amin! Marami rin nagsabi dito at mga friends na Baby girl daw, yes! Tama kayo. Thank you! #itsagirl,” Post naman ni Rochelle sa kanyang Instagram.

Napuno rin ang IG ni Rochelle ng pagbati mula sa mga kasama niya sa PPL Entertainment, mga dating kasama sa Sex Bomb Girls, mga co-stars sa teleserye nilang Onanay. Congratulations Arthur and Rochelle!

Debut ni Therese, pupunuin ng stars

Mamayang gabi na ang grand debut ni Kapuso multi-awarded actress na si Therese Malvar, a gift mula sa GMA Artist Center na magaganap sa Sequioa Hotel.

Actually, September 16 pa ang 18th birthday ni Therese, pero naging busy siya kaya hindi nakapag-celebrate.

Celestial ang theme ng debut ni Therese dahil mahilig daw siya sa mga stars, kaya ang gown na isusuot niya, may shade ng blue na parang may clouds daw sa hemline.

Na-excite si Therese nang tanungin siya kung sino ang kanyang gustong maging escort, puwede raw ba si David Licauco, isa ring Kapuso actor. At natuwa siya nang pumayag si David, crush daw niya kasi ang actor. 

Naiintindihan daw ni Therese kung iyong mga na-nvite niya ay hindi makararating dahil nga long weekend at marami sa mga invited niya ay nasa bakasyon, out-of-town. Pero nangako raw sina Direk Ricky Davao at Dan Villegas, mga naging director niya, na darating doon. Ganundin sina Janine Gutierrez, Lauren Young, Rodjun Cruz na mga nakasama niya sa afternoon teleserye na Legally Blind. At sa halip na 18 candles, 18 stars ang ibibigay ng mga showbiz friends at classmates kay Therese.

 

vuukle comment

ARTHUR SOLINAP

ROCHELLE PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with