^

Pang Movies

Kris pinagdududahan!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Mataray ang nakakwentuhan naming tagahanga sa isang taping kamakailan. “Diyos ko, Hollywood naman susunod na target pasukin ni Kris Aquino?,” dire- diretso niyang dialog sa kwentuhan.

Ayon pa sa tagahanga, maniniwala lang daw siya sa pralala ni Kris kapag ipapalabas na ito sa mga sinehan.

Sabi nga, to see is to believe pero kung kwentuhan lang, still kwento pa rin itong may malaking katanungan.

Nagbigay nga siya ng halimbawa ng mga nabalitang gustong sumubok sa Hollywood noon gaya nina Anne Curtis, Jake Cuenca, Manny Pacquiao at Pia Wurtzback.

Mabuti pa nga si Barbara Perez nakatambal si Tab Hunter noon.

May punto ang tagahanga sa kanyang pagdududa at pagtatanong dahil sa GMA nga at TV5, katakut-takot na pralala ang announcement na lalabas si Kris pero waley naman.

Hinahanap nga raw nila sina Madam Auring at Madam Rosa para pahulaan kung matutuloy ba ang pag-appear ni Kristeta sa pelikula sa Hollywood daw.

Jay babaeng-babae sa bagong movie

Barakong tingnan si Jay Ma­nalo dahil matipuno ang kanyang pangangatawan at marami na ring babae ang na-link sa kanya.

Pero sa pelikulang Pusit na idinirek ni Arlyn dela Cruz, marami ang nabigla sa role ni Jay bilang isang transgender dahil mukha talaga siyang babae.

Maging si Elizabeth Oropesa ay hindi nakilala si Jay nang maayusan.

Ayon naman kay Direk Arlyn, professional daw itong si Jay at hindi ito naging problema sa set.

Napapangiti din sina Allan Paule at Juan Rodrigo kay Jay dahil seksi raw ito at malakas ang appeal.

Mukhang seryoso na uli si Jay sa kanyang pagbabalik showbiz ha.

Alden at Maine hindi nagdadamot

Mabuti pa sina Alden Richards at Maine Mendoza, walang attitude kapag naiimbita na mag-show sa abroad.

Hindi sila maarte kapag kinakausap ng mga tagahanga. Hindi rin maramot ang mga ito sa pakikipag-selfie o photo op.

Nakakahanga tuloy ang mga nanga­ngalaga ng kanilang karera.

Kung iisipin naman, nagbabayad ang mga tagahanga para manood kaya hindi dapat pinagtataguan ang mga ito. Bayad ang mga artista sa kanilang show kaya wala silang karapatan na mag-inarte.

                                                 

vuukle comment

BARBARA PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with