^

Pang Movies

Pagbibida ni Sylvia hindi na naabutan ni Tita Angge

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Uy, naging tisay si Angge. Ganyan ang reaksiyon namin nang makita ang mga labi ng komedyana at talent manager na si Cornelia Lee, na matagal din naming na­ging kaibigan. Maputi si Angge nga­yon, at siguro sabi nga nila ay epekto rin iyong ng napakaraming gamot na inilagay sa kanya sa loob ng isang buong taong may sakit siya.

Sa unang gabi ng lamay na open sa publiko, naroroon ang lahat ng ma­lalapit na kaibigan ni Angge.

Bukod sa kanyang mga alagang sina Sylvia Sanchez at Smokey Ma­naloto, dumating din noon si Edgar “Bobot” Mortiz.

Si Bobot ang masasabing pinag­hirapan nang husto ni Angge. Hindi pa siya artista noon. Hindi pa rin siya talent manager. Talagang fan lang siya ni Bobot, at  kung gusto mong awayin ka ni Angge, kalabanin mo si Bobot.

“Actually si Angge, Nora (Aunor)-Bobot iyan eh. Kasi pagkatapos ng Tawag ng Tanghalan, kami talaga ni Nora ang pinag-partner noong una. Pareho kasi kaming galing sa Tawag ng Tanghalan. Tapos nakasama na namin si Pip (Tirso Cruz III). Siguro mas gusto nilang kasama ang isa’t isa, nawala ako sa grupo nila. Doon naman naging ka-partner ko si Vilma (Santos). Pero si Angge, alam ko Nora-Bobot pa rin siya, wala na lang siyang magawa noon. Iyang si Angge, nakasama ko talaga simula pa lang,” sabi ni Direk Edgar Mortiz.

“Noon pa lang unang atakihin at magkasakit si Tita A, nag-uusap na nga kami ni Smokey. Sabi ko sa kanya, kailangan ma­ging matibay ka. Kasi ka­ming dalawa talaga iyong alaga noon ni Tita A, eh makikita mo sa ospital iyong anak at mga pamangkin, nag-iiyakan nang lahat. Eh si Smokey, siya ang lalaki, kaya sabi ko tumatag ka.

“Pero wala akong nagawa noong humawak sa kamay ko tapos ang tanong sa akin, ‘papaano na tayo ngayon ate’. Wala na akong magagawa noon. Kailangan ako na ang magpakatatag,” kuwento naman ni Sylvia Sanchez.

Ang nakakahinayang, hindi na inabot ni Angge ang pagbibida ni Sylvia at ngayon ay kinikilala nang isang sikat na aktres. Kung wala lang sakit si Angge noong mga panahong iyon, palagay namin ipinagmamalaki niya talaga iyon dahil iyang si Sylvia ay isa sa mga tunay na alaga niya.

“Pinag-uusapan namin, tiyak na nakapasok na sa langit si Tita A ngayon. Aba kung hindi siya papapasukin doon eh ‘di pinagmumura niyang lahat sila. Alam mo naman si Tita A, maski si San Pedro hindi makakaligtas diyan. Mas nauna pa iyan kay Duterte sa murahan,” ang medyo natatawang comment naman ni Smokey Manaloto.

Lahat ay masaya sa kuwentuhan sa burol. Ayaw kasi ni Angge ng malungkot.

vuukle comment

TITA ANGGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with