^

Pang Movies

Jean pinag-iisipan pa kung seseryosohin ang alok ni Jomari

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mariin na itinanggi ni Jean Garcia na may malalim na silang relasyon ni Jomari Yllana.

Ilang beses na raw kasing nakikitang magkasama sila Jean at Jomari last year.

Inamin naman ni Jean na ilang beses na silang nagde-date ni Jomari pero wala raw talaga silang relasyon.

“Jom is one of my best friends. Kasi ilang beses na kaming nagkasama sa mga teleserye tulad ng Alakdana, Kakambal ni Eliana at The Half-Sisters.

“Kaya ang tawagan namin ay ‘Kaps’ as in Kapatid.

“Yung pagde-date namin ni Jom, walang malisya iyon. Usually ay marami kaming lalabas. Lately, kaming dalawa na lang. Pero it’s a friendly date. No commitment whatsoever,” pa­niguro pa ni Jean.

Noong nakaraang Pasko raw ay sinama pa ni Jomari si Jean sa Christmas party ng mga councilors at ng spouses nito.

“Tinawagan niya ako at gusto niya na ako ang isama sa Christmas party na iyon. Kung wala raw asawa, magsama ng girlfriend.

“Sabi ko kay Jom, ‘Ano ka ba? Baka isipin nila na tayo na.’ Pero he insisted na ako ang gusto niyang isama. Kaya okey lang at na-appreciate ko naman ‘yung pag-invite ni Jom sa akin,” ngiti pa ni Jean.

Pareho ngang single at available sila Jean at Jomari, ano ba ang nakakapagpigil sa kanila na magkaroon ng relasyon?

“Kasi nandito na ako sa posisyon na kung pipili ako ng lalake na makakarelasyon, gusto ko siya na ang forever. As in, siya na ang magiging huling lalake sa buhay ko.

“Ayokong pumasok sa isang relationship na hindi na naman magwu-work. Like ‘yung last relationship ko, akala ko siya na ‘yun. Hindi pa pala.

“Oo at hinahanap ko na ang forever ko. Hindi pa ako sure kung si Jomari iyon. Not for anything else, okey kami bilang magkaibigan.

“Tsaka Jom has it all, ‘di ba? Guwapo, single, responsible, marunong sa negosyo… but we still have to see kung tugma ba kami.

“I am still getting to know who he is at gano’n din siya sa akin. Bahala na si Lord kung kami nga ni Jom ang magkakatuluyan sa bandang huli,” pagtapos na ni Jean na kasama sa malaking cast ng GMA afternoon teleserye na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Mona Louise umaasang tatangkad ‘pag niregla

Kung may ibang mga bata ay excited nang maging teenager, iba ang Kapuso child actress na si Mona Louise Rey dahil gusto pa rin niyang manatili siyang baby.

This year ay magti-turn 13 years old na si Mona Louise. Papasukin na niya ang pagiging isang teenager pero kilos bata pa rin siya.

Unang nakilala si Mona Louise sa GMA-7 teleserye na Munting Heredera noong 2011. Six years old pa lang siya noon. Lumabas din siya sa iba pang mga teleserye tulad ng Aso Ni San Roque, Bukod Kang Pinagpala, Magkano Ba Ang Pag-ibig?, Villa Quintana, Paraiso Ko’y Ikaw, Carmela, Rhodora X, My BFF at ngayon sa Hahamakin Ang Lahat.

Dahil dalagita na siya, sinasabihan na raw siya ng kanyang ina na kumilos na siya na parang dalaga na dahil sa August ay mag-turn 13 na siya.

“Ayoko pa po maging teenager. Gusto ko baby pa rin ako!” tawa pa niya.

“Sinasabi nga po ni mommy na ibahin ko na raw ang kilos ko kasi magiging teenager na ako.

“Matagal pa naman po iyon. Kaya baby pa muna po ako.”

Kaedad nga ni Mona Louise ang isa pang Kapuso child actress na si Jillian Ward, pero matangkad na ito at dalagang-dalaga na ito.

Marami ang nagtataka kung bakit hindi pa rin tumatangkad si Mona Louise?

Paliwanag ng ina ni Mona Louise ay hindi pa raw nagkaka-menstrual period ang kanyang anak. Baka raw late bloomer ito na tulad niya.

Beauty and the Beast bubuhayin nina Ariana and John

Sila Ariana Grande at John Legend ang napili ng Disney na i-revive ang duet para sa live action movie na Beauty and the Beast na pinagbibidahan nila Dan Stevens at Emma Watson.

Ang original performers ng song na Beauty and the Beast ay sila Celine Dion at Peabo Bryson na ginamit sa 1991 animated film.

Nanalo pa ito ng Best Original Song in a Motion Picture sa Academy Awards, Golden Globe at Grammy Award para sa writer and composer ng song na si Alan Menken.

Bibigyan nga raw ng bagong rendition ang Beauty and the Beast nila Grande at Legend.  Si Ron Fair ang magpo-produce nito para sa soundtrack ng naturang Disney live action film.

May three new songs din na idadagdag sa naturang soundtrack.

vuukle comment

JEAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with