^

Pang Movies

Tina Paner binalikan na ang dating bahay!

SHOWBIZ UPDATE - Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Totoo pala ang balita na nagbabalik Kapuso na ang aktres at singer na si Tina Paner. Isa kasi siya sa cast ng upcoming show ng GMA 7 na Meant To Be na pagbibidahan ni Barbie Forteza. Tila isang reunion niya ito sa kanyang friends na sina Sheryl Cruz at Manilyn Reynes. Kaya naman muling nabuo ang grupo nilang Triplets sa programa na ito.

When asked bakit niya naisipang mag-comeback, ito ang sagot niya: “Sa akin naman kasi, I was part of GMA before nung ginawa namin yung That’s Entertainment. So sabi ko, wala namang masama kung sa edad ko ngayon, dito ako sa GMA kasi kung saan ako nag-start, siguro puwede namang dito ako mag-end.” That said, welcome back, Kapuso!

Painting ni Solenn angat sa Art Gap

Isa sa mga nakita naming artworks sa opening ng GMA Art Gap 2016 ay ang entry ni Solenn Heussaff na may title na Stand kung saan isa itong babaeng nakataas ang t-shirt.

For us, hindi lang siya basta-basta painter na gustong magpakitang gilas dahil tunay ngang nakaka-inspire ang artworks niya.

Ayon rin sa Encantadia star, hindi madali ang pagpipinta ngunit masaya siya dahil for a good cause ang mapupuntahan ng proceeds ng painting niyang ito. According to Solenn, “It’s for a good cause naman tapos I’ve been with the GMA family for such a long time so it’s nice to be able to give back to them as well.”

Janine matagal pinangarap ni Ralph

Abot hanggang tenga ang ngiti ng Someone To Watch Over Me star na si Ralph Noriega nang ma-meet niya in person ang kanyang crush na si Janine Gutierrez sa isang event kamakailan.

Pati kami ay kinikilig for him dahil right after nilang mag-photo op, agad niyang pinagmalaki ito sa kanyang Instagram.

Aminadong aminado ang aktor sa admiration niya for Janine. In fact, all praises ang binata dito. “Yes, crush ko siya. Ang masasabi ko lang, sobrang ganda at sobrang bait pa (ni Janine.) Nung nalaman ko na nandun siya sa event sobrang natuwa ako dahil sa wakas makikita ko na siya. Matagal ko nang wish makita siya. Nagkatotoo na ‘yung wish na ‘yun, and may picture pa,” masayang kwento nito.

vuukle comment

TINA PANER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with