^

Pang Movies

Baby ni Nadine biktima na agad ng identity theft!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi ikinatuwa ng bagong mommy na si Nadine Samonte ang paggamit ng isang nagngangalang Gerlie Joy Alegado sa photo ng kanyang baby na si Heather Slone sa Facebook account nito.

Base sa post ni Gerlie, sinulat nito na kakapanganak lang nito noong nakaraang October 1 sa isang baby boy. Pero ang naka-post na photo ay ang baby ni Nadine.

Hindi pinalagpas ni Nadine ang pagnakaw at paggamit ng photo ng kanyang baby.

Heto ang pinost ni Nadine:

“I need to post this, i know everyone loves and like our daughter and naa-appreciate namin un ng sobra sobra natutuwa nga kami na madami rin nagmamahal sa baby namin, ok lang naman smin na gawin nyo syang profile pic or ipost nyo sya wala naman problema smin un pero i just dont like this post na sinsbi mo anak mo sya its not right. Pls stop doing this kasi hindi po sya nakakatuwa. Thank you!”

Pinakita rin ni Nadine ang original na photo ni Heather Slone na pinost ng aktres na siyang ginamit ni Gerlie upang sabihin na ito ang anak niya.

Rodjun kinilabutan sa sariling sandata

Matagal na pinaghandaan ni Rodjun Cruz ang pagpapaganda ng katawan niya para sa role na binigay sa kanya sa primetime telefantasya ng GMA-7 na Encantadia.

Si Rodjun ang gumaganap na matipunong si Pao-Pao na may hawak ng ikalimang brilyante ng Encantadia. Ang gumaganap na batang Pao-Pao ay ang child actor at commercial model na si Yuan Francisco.

Noong nakaraang October 10 ay sinorpresa si Rodjun ng buong cast and crew ng Encantadia nang magdala sila ng cake dahil 29th birthday na ng aktor.

Nagkuwento pa si Rodjun ng kanyang excitement noong sabihin na isasali siya sa Encantadia.

“Sa taping ko pa lang nakita ‘yung litrato ng role ko. Grabe ang ganda ng armour! Nung sinukat sa ‘kin, kinilabutan ako, solid!

“Intense kasi may fight scenes. Feel na feel ko na warrior talaga ako and hindi mahirap para sa ‘kin mag-adjust dahil gusto ko talaga so fini-feel ko ang bawat eksena,” pagtatapos pa ni Rodjun Cruz.

Rapper na si Drake pinataob si Michael Jackson sa rami ng nominasyon sa American Music Awards

Gumawa ng record ang rap artist na si Drake dahil sa pagkuha niya ng 13 nominations sa American Music Awards.

Tinalo niya ang sinet na record noon ng King of Pop na si Michael Jackson na 11 nominations noong 1984.

Ang album ni Drake na Views ay naging top-selling album sa U.S. noong i-release ito early this year. Nakuha niya ang nomination for Artist of the Year kung saan makakalaban niya sina Adele, Beyonce, Justin Bieber, Selena Gomez, Ariana Grande, Rihanna, The Weekend, Twenty One Pilots at Carrie Underwood.

Noong i-release ang nominations, nasabay naman ito sa pag-postpone ni Drake ng kanyang tatlong dates ng Summer Sixteen tour dahil sa isang severe ankle injury.

“Drake suffered a severe ankle injury during the tour which he did his best to power through. By doing this, he made his injury worse.

“Drake needed time to recuperate and give fans the performances they deserve,” ayon sa representative ng rapper.

vuukle comment

NADINE SAMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with