^

Pang Movies

Mark laging ibinibida ang anak

SO...CHISMIS ITOH! - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ang suwerte ni Mark Herras ngayon dahil tatlo ang teleserye na ginagawa niya.

Una ay ang pang-umagang teleserye ng GMA 7 na Dangwa kung saan isa siya sa leading men ni Janine Gutierrez. Pangalawa ay ang pang-primetime naman na Little Mommy kung saan kasama sa cast si Ms. Nora Aunor.

Pangatlo ay ang kanyang guest role sa Wish I May na pinagbibidahan nila Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Nagpapasalamat si Mark dahil sunud-sunod ang mga biyaya na dumarating.

“Malaking suwerte sa akin noong dumating sa buhay ko ang anak kong si Ada.

“Noong dumating siya, naging magaan ang lahat. Tsaka lahat ng ginagawa ko ngayon ay hindi lang para sa akin, lahat ay para sa anak ko.” ngiti pa ni Mark.

Kung lucky sa kanyang career si Mark, hindi naman masyado sa lovelife niya.

Balitang tumigil muna siya sa panliligaw kay Winwyn Marquez dahil magiging busy ito sa kampanya ng ina nitong si Alma Moreno sa pagkasenador.

Young actress pinaglaruan at ginamit ang director para makaganti sa bf

Maayos na nakakapagtrabaho ang director na ito na dumaan sa matinding nervous breakdown ilang taon nang nakakaraan.

Naging dahilan ng kanyang nervous breakdown ay dahil sa isang young actress na pinaglaruan lang siya.

Ang young actress nga raw ang unang nagbigay ng motibo sa kanya noong nagkatrabaho sila sa isang indie film.

Hindi nagtagal ay nahumaling ang director sa young actress na ito at sikretong nagkaroon sila ng relasyon kahit na alam ni young actress na malapit na itong ikasal sa girlfriend nito.

“Umabot pa sa confrontation ang lahat. Ang nakakalokah ay mas pinili ng director ang young actress at right there and then ay nakipag-break ito sa pakakasalang girlfriend.

“Kaya ang bruhang young actress feeling victorious dahil nakasira siya ng isang magandang relasyon,” kuwento ng aming source.

Pero pagkatapos nga raw ng isang buwan ay biglang nag-iba na ang young actress sa director. Sinabihan na niya ito na ayaw na nito sa director.

Nalaman ng director na ginamit lang siya ng young actress para pagselosin ang ex-boyfriend nito para lang balikan siya.

“Since then natulala na ang director sa ginawa ng young actress.

“Hindi na ito makapag-work at matagal na hindi lumabas ng bahay niya.

“Malaki ang pagsisisi niya dahil pinagpalit niya ang girlfriend niya for ten years at pakakasalan na niya para lang sa makating young actress.

“Ang nakakainis pa ay mukhang hindi nag-sorry ang young actress sa ginawa niya. As in, dedma siya sa nangyari sa director

“Naawa kami kay direk kasi inabuso ni young actress ang kabaitan niya. Kaya sinumpa naming karmahin ang babaeng ‘yan!” talak pa ng source namin.

Tumalab naman ang karma sa young actress dahil sa ginawa niya kay direk. Hirap ito makabangon sa career niya dahil sa nega ito dahil sa mga intriga sa kanya.

Britney Spears bisyo na ang pagbili ng magagarang mansion

Dahil na extend ulit ang residency ni Britney Spears sa Las Vegas, bumili ito ng bagong mansion sa Los Angeles, California.

Nagkakahalaga ng $7.4 million ang nabiling 13,264 square feet mansion ni Britney.

Masuwerte nga raw si Britney dahil sa laki at ganda ng mansion na nasa 20.96 acres, nakamura ito sa halagang 7.4 million.

May five bedroom and 7.5 bathrooms, tennis court, infinity pool at 3-hole golf course.

May malaking kitchen and dining room, wine cellar, entertainment room, spa room at huge garden para may paglaruan ang dalawang anak niyang lalake.

Ito ang pang-limang property na na-acquire ni Britney.

Kung hindi niya pinaparenta, binebenta niya ulit ang bahay para makabili siya ng bago.

Na-extend pa ng dalawang taon ang residency ni Britney sa Las Vegas at makikipagsabayan pa rin siya sa mga big stars na may permanent shows doon tulad nila Mariah Carey, Jennifer Lopez at Celine Dion.

vuukle comment

ACIRC

ACTRESS

ANG

BRITNEY

BRITNEY SPEARS

DAHIL

DIRECTOR

ITO

NIYA

SIYA

YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with