^

Pang Movies

Pero namimili pa rin ng sasagutin... Lea pinaninindigan ang pagiging ‘Patola Queen’

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi nawawala sa social media ang isa sa coach ng The Voice Kids na si Lea Salonga. Laging may sariling opinyon ang former Miss Saigon sa mga social media accounts niya lalo na tungkol sa kanyang career at sa mga nangyayaring issues sa mundo. Hindi itinatanggi ni Lea na sa social media ay nagkaroon siya ng mga basher at hater. Dahil sa pagpatol niya sa mga pintas sa kanya kaya natawag siyang ‘Patola Queen’. Sinagot naman ni Lea ang dahilan kung bakit minsan ay pinapatulan niya ang mga bashers.

“Sometimes you have to stand up, kasi if somebody says something that’s obviously wrong, or you have to stand up for yourself also.

“There are things na hindi ko na papatulan kasi it’s a waste of time.

“But if there’s something I feel na you’re attacking something that I feel very strongly about, then, oo, papatulan talaga kita.”

Pero may mga pagkakataon naman na iniisip ni Lea kung worth bang patulan ang isang basher.

“I have to be very discerning as to who to answer, as well as who to ignore.

“And usually, I have to just figure it out and give it some thought.

“When it gets super-super bastos, they don’t even get an answer. They just get blocked.”

Ipinakilala na ang Top 6 ng The Voice Kids. Ito ay sina Kyle Echarri at Zephanie Maranan for Team Sarah; Elha Nympha at Sassa Dagdag for Team Bamboo; at Reynan Del-anay at Esang De Torres for Team Lea.

Isang bagay lang daw ang hiling ni Lea sa contestants.

“The only thing I can ask them is just learn your song well.

“Dapat alam na alam mo talaga ‘yung kanta, para kahit na anong kaba o takot ang bigla na lang sumulpot on that day, you’re ready,” pagtatapos pa ni Lea Salonga.

Ang Panginoon ang source of happiness Carmi sumuko na sa paghahanap kay ‘Mr. Right’

Marami ang hindi makapaniwala na isang Golden Girl na si Carmi Martin.

Nag-turn 52 years old lamang si Carmi nitong August pero marami ang bilib sa former Dolphy’s Angels dahil na-maintain nito ang kanyang seksing katawan na siyang naging trademark niya noong magsimula siya bilang artista noong early ‘80s.

Masipag daw kasing mag-workout si Carmi at binabantayan niya ang kanyang kinakain. Pero ang pinaka-secret daw niya ay ang malapit siya sa Pa­nginoon at parati siyang masaya kahit na wala siyang matatawag na partner sa buhay.

“Meron naman akong mga aso. Sila ang nagpapasaya sa akin everyday.

“Pero siyempre, the Lord is the source of my happiness. Kung wala Siya sa buhay ko, baka hindi ako ganito ka-bless.

“I’ve given up looking for Mr. Right years ago. Wala kasi akong makasundo, lahat may diperensya. Kaya huwag na lang. Mas naging okey ang buhay ko noong maging single ako,” diin pa niya.

Bukod sa kanyang showbiz career ay meron din siyang interior design company si Carmi na matagal na niyang pinapatakbo.

“Sa sobrang busy ko sa showbiz, ‘yang business kong ‘yan ang nagiging sideline ko na lang. Kapag may time lang ako nakaka-accept ng maraming clients.

“Most of my time kasi nagte-taping ako. Like ngayon, meron akong daily tele­serye sa GMA 7 na MariMar. Tapos may weekly sitcom pa ako na Ismol Family.

“Kaya sa TV na lang, sagad na sagad na ang oras ko. But I am happy to be blessed with these shows,” pagtatapos pa ni Carmi Martin.

Singsing ni Jennifer Aniston mas bida pa sa premiere ng kanyang pelikula

First public appearance ng Hollywood actress na si Jennifer Aniston ang L.A. premiere ng pelikulang She’s Funny That Way pagkatapos niyang ikasal sa boyfriend niyang si Justin Theroux.

Sa naturang premiere ay lahat ng mata ay nakatutok sa diamond encrusted gold band na suot ng aktres.

Ang singsing na suot ni Mrs. Theroux ay ginawa ng kaibigan ni Jennifer na si Jennifer Meyer, isang jewelry designer na asawa ng Hollywood actor na si Tobey Maguire.

Kakabalik nga lang ng newly-weds mula sa kanilang honeymoon sa Bora-Bora kung saan nag-stay sila sa five star Four Seasons resort.

Ayaw ngang magkuwento ni Jen tungkol sa naging private moment nila ng kanyang mister.

“We had the beautiful luxury of having a beautiful private moment and I’m going to be selfish and keep it that way!”

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG PANGINOON

BUT I

CARMI

CARMI MARTIN

JENNIFER ANISTON

LEA SALONGA

MR. RIGHT

PERO

VOICE KIDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with