^

Pang Movies

Advertising layout ng pelikula nina Angelica at JM ninakaw ng doktor!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagpahatid na ng kanyang reklamo ang indie filmmaker na si Antoinette Jadaone sa isang bag repair store dahil sa pagnakaw nito ng idea at design para sa kanilang advertising layout mula sa pelikula niyang That Thing Called Tadhana.

Nag-post sa kanyang Facebook account si Direk Antoinette ng kanyang reklamo sa Doctor Leather na may mga branches sa ilang malalaking malls.

“Hay, tsk tsk. Please, please ask for creators’ consent before using artworks and the like that are not your own, most especially if you’re going to earn from it.

“Doctor Leather’s a pretty big company, right? Walang budget sa artists na may sariling isip.

“This was taken by Doctor Leather from our movie That Thing Called Tadhana.”

Tinag pa ni Direk Antoinette sa kanyang post ang kanyang producer Bianca Balbuena, the cinematographer and her boyfriend Dan Villegas, and Cinema One head Ronald Arguelles.

Lantarang ginamit ng Doctor Leather ang image na “The Arrow with a Heart Pierced Through Him”. Dinagdagan lang daw ng Doctor Leather ng tatlong pirasong maleta at may tagline na “Where Do Broken Bags Go?” na malapit din sa catch line ng pelikulang That Thing Called Tadhana na “Where Do Broken Hearts Go?”

Nagbayad pa raw si Direk Antoinette ng P220,000 para sa rights na gamitin ang song sa pelikula.

Si Antoinette Jadaone din ang nagdirek ng mga pelikulang You’re My Boss, Beauty in a Bottle, Relaks It’s Just Pag-ibig at Sex Degrees From Lilia Cuntapay. Sinulat naman niya ang screenplay ng English Only Please, The Break-Up Playlist at Ekstra.

Jaclyn Jose galit na hinamon ng harapan si Wally!

Inamin ng award-winning actress na si Jaclyn Jose na isa siya sa mga parating nag-aabang sa KalyeSerye ng Eat Bulaga at fan na fan daw siya ng tambalang AlDub nila Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Masaya si Jaclyn for Alden dahil nagbubunga na raw ang pagiging masipag at mabait nito. Tatlong beses na kasing nakasama ng aktres si Alden sa mga teleserye na Mundo Mo’y Akin, Carmela at Ilustrado.

“Natutuwa ako sa KalyeSerye na ‘yan. Nakakawala ng stress.

“Kapag ‘yan na ang nasa TV, ang sarap tumawa.

“Pero kilig pa more rin ako dahil sa AlDub. Bagay silang dalawa, ‘di ba?” ngiti pa niya.

Samantala, nagngi­ngitngit naman si Jaclyn para kay Lola Nidora (Wally Bayola). Hadlang daw kasi ito sa pagmamahalan nila Alden at Yaya Dub.

Kakaibang karakter naman ang ipapamalas ni Jaclyn sa bagong primetime teleserye ng GMA-7 na MariMar. Gaganap siya bilang si Senyora Angelika Santibanez at isa siya sa magpapahirap kay Megan Young na gaganap bilang Mari­Mar.

“Nag-iba ako ng look para mas kontrabida ang dating ko. Tapos pati ang wardrobe ko ay puro animal prints. Hayop kasi ang ugali ni senyora.

“At siyempre, may mga hirit ako na pang-iinsulto kay MariMar. Inglesera rin si senyora kaya lalong matataranta si MariMar.”

Hollywood star na si Shannen Doherty, nakikipaglaban sa sakit na cancer

Maraming fans ng programang Beverly Hills 90210 at Charmed ang nagulat at nalungkot nang mabalitang nakikipaglaban sa sakit na breast cancer si Shannen Doherty.

Na-diagnose si Shannen na may breast cancer ito noong nakaraang March 2015.

“Yes, I have breast cancer, and I am currently undergoing treatment.

“I am continuing to eat right, exercise and stay very positive about my life.

“I am thankful to my family, friends and doctors for their support and, of course, my fans who have stood by me,” ayon pa sa interview niya sa Us Magazine.

Nag-tweet nga ang 44-year old actress last August 19 sa kanyang 415,000 followers na mahal niya ang mga ito dahil sa suporta na binibigay sa kanya.

“Just know.... I love you all— Shannen Doherty (@DohertyShannen)”

Naikuwento rin ni Shannen na nag-file siya ng demanda sa kanyang former business manager dahil hindi nito inasikaso ang kanyang insurance premiums noong 2014.

Dahil dito ay hindi nagawa agad ang mga medical treatments sa aktres na naka-prevent sa pagkalat ng cancer cells.

Ngayon ay kailangan nang dumaan sa mastectomy at chemotherapy ang aktres dahil hindi naagapan ang sakit niya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DIREK ANTOINETTE

DOCTOR LEATHER

JACLYN

JACLYN JOSE

KANYANG

SHANNEN

SHANNEN DOHERTY

THAT THING CALLED TADHANA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with