^

Pang Movies

Gelli binawalan ni Ariel na magpakita ng katawan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Malakas na “what?” daw ang sagot ni Ariel Rive­ra sa asawang si Gelli de Belen nang sabihin nitong kinukuha siyang maging cover ng FHM magazine, nang makausap sa presscon ng third season ng Happy Wife, Happy Life ng TV5 na napapanood araw-araw, tuwing 10:15 a.m. Natawa na lamang si Gelli sabay sabing sablay daw agad, hindi niya puwedeng tanggapin ang offer.

“Saka okey na rin, kasi ayaw kong maka-affect sa dalawang anak namin ni Ariel kapag nag-pose ako sa men’s magazine. Ayaw kong pasanin nila ang epekto kapag biniro sila tungkol sa pagpu-pose ko. I am flattered sa offer, kung puwede lamang. I will do it, pero hindi puwede talaga, kaya thank you sa inyo.”

Kahit nga kasi 42 years old na si Gelli, at may dalawa nang anak, aged 16 at 15, napanatili niyang maganda pa rin ang kanyang katawan, at kahit ano, puwede niyang isuot. Pero hindi nga niya pinangarap na mag-pose sa isang men’s magazine. Mas mahalaga sa kanya ang kanyang family at trabaho. Bukod kasi sa Happy Wife, Happy Life, may weekly sitcom din siya, ang Misterless Misis every Sunday, 7:00 p.m.

Mataba ang utak Bea Binene nanguna sa NCAE

Congratulations to Bea Binene. Lumabas na ang official result ng NCAE (National Career Assessment Examination) at good news ang nakarating kay Bea na siya ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa exams na kinuha niya last year. Graduate ng High School si Bea sa Eton International School, Manila. Matagal ding hinintay ito ni Bea na ngayon ay kumukuha na ng film sa isang school sa Bonifacio Global City, bago siya mag-enrol sa isang college course next semester. Kaya isang advance birthday gift na rin ito kay Bea who will turn 18 years old na sa November 4.

Bukod sa gabi-gabing pagho-host ng segment niya sa Good News sa GMA News TV, may coming drama series na gagawin si Bea sa GMA 7.

Wally paos at hulas na ang makeup sa katatalak!

Dapat maging conscious at alert ang mga marshall ng Eat Bulaga sa kanilang Juan For All, All For Juan segment. Last Monday, nasa New Kalalake, Olongapo City sila na habang ginagawa ang #AlDubTrueLoveWaits episode, sa biglang paghabol ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa riding in tandem na siya raw kumuha ng nawawala niyang diary, sinundan siya ni Maine Mendoza aka Yaya Dub at kitang-kitang hinatak siya ng mga tao, dahil walang nakasunod na marshalls. Mabuti na lamang may mga pulis na nakalapit agad at nasaklolohan sina Wally at Yaya Dub. Kaya nang maglakad na sila papunta sa bahay ng napiling contestant, napalibutan na ng mga pulis at marshalls sina Yaya Dub, Wally, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

Among the three hosts ng segment, pinakamahirap din ang ginagawa ni Wally simula pa sa paghahanda niya, sa pagmi-makeup at pagsusuot ng mga lady dresses bilang si Lola Nidora, hanggang sa drama niya kina Alden Ri­chards at Yaya Dub, kaya halos paos na si Wally sa kasisigaw niya ng pagtutol sa romansa ng AlDub. Monday to Sunday kasi nagtatrabaho si Wally. Monday to Saturday nasa Eat Bulaga siya at Sunday, live din sila nina Jose sa comedy-variety show na Sunday PinaSaya sa GMA 7.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEA

BEA BINENE

EAT BULAGA

GELLI

HAPPY LIFE

HAPPY WIFE

LOLA NIDORA

NBSP

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with