^

Pang Movies

Sunshine tuloy ang demanda kay Cesar!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi tinanggap ni Sunshine Cruz ang alok ng kanyang estranged husband na si Cesar Montano para hindi nito ituloy ang kaso laban dito.

Nakapagdesisyon na kasi si Sunshine na isulong ang kanyang kaso sa dating mister na nilabag diumano ang R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children Act (VAWC).

Kaugnay ito ng insidenteng may ginawa diumano si Cesar na kabastusan sa harap ng kanilang tatlong anak na mga menor de edad na babae.

Itinanggi ni Sunshine sa Quezon City Prosecutor’s Office last March 10 na pumayag siyang makipagkasundo sa kanyang estranged husband at kapalit nito ay ibibigay sa kanya ang hinihingi nitong conjugal property sa Antipolo.

“It’s very cheap para sabihin nila na isang lupa sa Antipolo. Naman! Kaya kong pagtrabahuhan at bilhin ‘yun. Gusto niya magkapitbahay pa kami!” pahayag pa ni Sunshine.

Naghain na rin ng counter-affidavit si Cesar sa kaso na inihain sa kanya ng kanyang estranged wife. Ipinagdiinan ni Cesar na ginagamit lang ni Sunshine ang kanilang mga anak para makuha nito ang gusto niya.

Ayon nga sa legal counsel ni Cesar na si Atty. Joel Ferrer: “Cesar claims that Sunshine maliciously dictated upon their daughters to write the letter and use the same against him for her own interest.”

Nasa custody ngayon ni Sunshine ang tatlong anak nila ni Cesar habang may kaso sa pagitan nilang da­ting mag-asawa.

Direk hindi pa rin malimutan ang male celebrity na nawalan ng career dahil sa kamaldituhan

Hindi malimutan ng isang TV commercial director ang ginawa niyang paghamon ng suntukan sa isang pasaway na male celebrity. Sa sobrang pasaway ng spoiled brat na male celebrity ay sumabog na ito kaya hinamon niya ito ng suntukan para matapos na ang galit niya.

Ilang beses na kasing sinubukan ng pasaway na male celebrity ang pasensya ng director na ito. Kung hindi lang daw malaki ang bayad ng agency sa kanya, hindi niya hahawakan ang pagdidirek sa male celebrity na napaka-unprofessional.

Sa tatlong commercial na nakatrabaho niya ang male celebrity, wala siyang naging pleasant na experience rito. Kung hindi late dumating sa kanilang shoot, bigla na lang daw itong umaalis na hindi nagpapaalam.

Kaya tuwing may bagong commercial project ang director, ipinagdarasal niya na hindi ang pasaway na male celebrity ang makatrabaho niya.

Ilang taon din na hindi nakatrabaho ng director ang pasaway na male celebrity hanggang sa tinawagan siya at sinabing siya ang hahawak sa bagong commercial nito.

Dahil dito ay hinanda na ni director ang kanyang sarili sa anumang attitude na ipapakita ng male celebrity. Sana ay hindi na ito pasaway. Pero mali ang inakala ng director dahil mas matindi pa ang pagiging pasaway nito ngayon.

Two hours late ito dumating sa kanilang shoot at parang inaantok pa nang lumabas sa sasakyan. Unang dialogue pa nito ay bilisan daw ang shoot sa kanya at may pupuntahan pa siya.

Dalawang eksena lang naman ang gagawin ni male celebrity at iilang lines lang ang sasabihin niya. Kaso, hindi makuha ng male celebrity ang mga simpleng instructions ng director sa kanya. Sa isang eksena lang ay umabot sa take 15 ang male celebrity.

Noong kukunan na ang second scene niya, biglang tumayo si male celebrity sa kinauupuan niya at aalis na raw siya dahil wala raw kuwenta ang director.

Doon na nagalit ang director at sinundan niya sa sasakyan ang male celebrity sabay hinamon niyang magsuntukan na lang sila.

Pinigil na lang ng production staff ang nag-iinit na director at sinabihan na nila ang male celebrity na umalis na lang. Kinabukasan ay nireklamo na ng director ang pinakitang attitude ng pasaway na male celebrity.

Inalis na lang sa project ang pasaway na male celebrity at pinalitan siya ng ibang talent.

Nagpatuloy nga sa pagiging pasaway ang male celebrity hanggang sa mawalan na ng ningning ang name niya. Noong gusto na nitong bumalik sa showbiz, wala nang interesado dahil sa hindi niya magandang reputasyon.

Nick Cannon naghahabol sa ibinentang bahay nila ng dating asawa na si Mariah Carey!

Galit na galit ang America’s Got Talent host na si Nick Cannon dahil hindi niya alam na nabenta na pala ang Bel-Air mansion nila ng kanyang estranged wife na si Mariah Carey sa halagang $9 million.

Naghain ng bagong lawsuit si Cannon na wala siyang in-authorize na mabenta ang mansion at dapat sila ni Mariah ang nag-uusap tungkol dito.

Napag-alaman niya na ang manager ni Mariah na si Michael Kane ang siyang nakipag-deal para mabenta agad ang mansion.

Pina-freeze ni Cannon ang $9 million hanggang hindi niya nakukuha ang tamang accounting para rito at malaman kung magkano ang magiging hatian nila ng kanyang estranged wife.

Sabi ni Kane na “frivolous” at “clearly a desperate act from a sadly desperate man” ang lawsuit na inihain ni Cannon.

vuukle comment

CELEBRITY

DIRECTOR

LANG

MALE

MARIAH CAREY

NICK CANNON

NIYA

PASAWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with