^

Pang Movies

Matapos tikman, aktres iniwan sa ere ng matinee idol!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kapag tinatanong ang drama actress na ito kung gusto pa nitong makipagbalikan sa kanyang ex-boyfriend na isang former matinee idol, mabilis na sinasagot nito ay hindi.

Sobra raw kasing nainsulto ang pagkababae niya sa ex-boyfriend niyang ito kaya hindi rin daw sila magiging magkaibigan.

Maganda pa naman ang simula ng relasyon ng dalawa. Sabi ng mga kaibigan nila na “love at first sight” ang nangyari sa kanila.

Pero dahil sa may karelasyon ang da­ting matinee idol na isang young actress, umiwas na ang drama actress na ito dahil ayaw niyang matawag na ahas.

Ginawa ng former matinee idol ay nakipag-break ito sa young actress para maging sila na ng drama actress.

Noong matuloy na ang relasyon ng dalawa, hindi rin naging masaya ang drama actress dahil kahit na alam niyang parating nandiyan ang boyfriend niya, may nakakarating sa kanya na may ibang babae naman daw itong pinopormahan.

Ang naturang girl ay isang award-winning actress na kasama ng boyfriend niya sa pelikulang ginagawa nito.

Nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan na lang ang drama actress dahil sobra siyang in love sa boyfriend niya.

Pero nang lumaon ay hindi na lang nagparamdam ang dating matinee idol sa drama actress. Rason nito ay naging busy ito sa kanyang mga trabaho at pinagsabihan siya ng kanyang manager na bawasan ang pakikipagkita sa drama actress.

Hanggang sa nawala na ng tuluyan ito at nalaman na lang ni drama actress na karelasyon na nito ang award-winning actress.

Kinasama ng loob ng husto ni drama actress ay hindi man lang daw nakipag-break ng maayos ang boyfriend niya sa kanya at basta na lang siyang iniwan sa ere.

Kaya pakiramdam ni drama actress na ganito rin ang ginawa niya sa dating relasyon nitong young actress at sa iba pang babae na basta na lang iniiwan sa ere.

Bernard Palanca sumumpa kay Erap na hindi lolokohin si Jerika

Masaya na ang aktor na si Bernard Palanca dahil tanggap na siya sa Estrada Family.

Naanakan ni Bernard ang anak ni former president at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada na si Jerika Ejercito.

Matagal din daw naghintay si Bernard na tuluyan na siyang matanggap ni Erap dahil may apo na ito sa kanila ni Jerika.

Noong Pasko raw siya pinapunta ni Mayor Erap sa bahay nila at sinabihan ito na alagaan nang husto si Jerika.

“Ibinilin niya sa akin, eksaktong sabi niya, ‘Please take good care of my daughter.’ “Sagot ko, ‘Siyempre po, promise.’

“Well, ‘tulad nung sinasabi ko sa umpisa pa lang, wala naman kasi akong itinatago, wala akong masamang intensiyon na kahit na ano.”

Wala pa raw planong magpakasal sina Bernard at Jerika. Hanggang wala pa raw ‘yung blessing ni Mayor Erap sa kanila, hindi raw muna sila gagawa ng plano.

Tanggap naman daw ni Jerika na may anak na si Bernard mula sa ex-wife nitong si Meryll Soriano, 8 years old na ito ngayon.

Ang anak naman nila ni Jerika ay nine months old na.

VS Angels nag-aalisan na dahil sa mababang pasahod!

Nagkakaroon ng kaguluhan ngayon sa mga Victoria’s Secret Angels.

Dalawa sa top supermodels ng VS na sina Karlie Kloss at Doutzen Kroes ay nag-resign na dahil sa mababang pasuweldo sa kanila.

Ayon sa isang source ng Page Six, pinapalit raw ng VS angel na si Kloss ang kanyang kontrata para maging student na lang sa New York University. Totoo raw na may kinalaman ang pera sa pag-alis nito.

“The money isn’t what it used to be. Older contracts like Alessandra Ambrosio were in the millions, now they’re like $100,000,” sey pa ng Page Six.

Hindi raw fair ang bayad na ito sa mga baguhang models dahil mas pagod sila sa trabaho bilang brand ambassadors ng Victoria Secret.

Nasa kontrata rin na bawal silang tumanggap ng ibang trabaho mula sa ibang designers or maging endorsers ng ibang produkto habang nasa VS sila. Committed sila to work for 50 days a year or more na hindi naman daw patas.

Kabilang sa mga naging models ng Victoria’s Secret ay ang mga supermodels na sina Tyra Banks, Naomi Campbell, Heidi Klum, Rebecca Romijn, Helena Christensen, Marisa Miller, Molly Sims, Karolina Kurkova, Behati Prinsloo, Rosie Hun­tington-Whiteley, Miranda Kerr, Adriana Lima, Alessandra Ambrosio, at Giselle Bundchen.

vuukle comment

ACTRESS

ALESSANDRA AMBROSIO

BERNARD PALANCA

DAHIL

DRAMA

JERIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with