^

Pang Movies

Marvin pinagtawanan nang tawaging Tito ni Matteo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Matunog na “Tito Marvin” ang tawag ni Matteo Guidicelli sa kanyang Moron 5.2 The Transformation co-star na si Marvin Agustin.

Twenty four years old lamang si Matteo at 35-years old na si Marvin kaya walang masama sa pagtawag niya na “Tito”.

Normal lang ang ipinapakita na paggalang ni Matteo kay Marvin kaya hindi dapat nagtawanan ang mga dumalo kahapon sa presscon ng Moron 5.2 The Transformation. Kailan pa naging kasalanan ang gumalang sa mga nakatatanda?

Ex-bold actor na sobrang in demand, gusto na uling umarte

Nakita ko kahapon sa isang restaurant ang former actor na si Ernie Garcia.

Parang hindi nagkaedad si Ernie dahil halos hindi nagbago ang kanyang itsura.

Hindi na masyadong active si Ernie sa showbiz kaya hindi na siya gaanong kilala ng young generation.

Sa mga bagets na hindi nakakakilala kay Ernie, siya ang number one sexy actor noong kapanahunan niya. Naging leading man siya ng mga sikat na sexy actress noon at kapag may mga sexy drama movie na project, si Ernie ang first choice ng mga film producer.

Nang magkausap kami kahapon ni Ernie, nabanggit niya ang kagustuhan na maging vi­  sible uli sa showbiz. May mga negosyo siya na pinagkakaabalahan pero iba pa rin ang karisma ng showbiz.

In demand actor noon si Ernie at minahal niya ang acting profession. Hindi nakapagtataka na nami-miss niya ang pag-arte sa harap ng mga kamera.

Matinong si actor A, basted kay actress C na mas gusto ang lalaking unpredictable

Hindi si actor A ang boyfriend ni actress C at ayon ito sa isang reliable source na nakausap ko.

Ibang name ng mhin ang madalas na binabanggit ni C, hindi ang pangalan ni actor A na masugid ang panliligaw sa kanya.

Actually, binasted na ni actress C ang panliligaw ni actor A pero ito ang ayaw magpaawat. Mukhang naniniwala ang aktor sa kasabihan na walang matimtiman na birhen sa tao na matiyaga na manalangin.

Guwapo, mabait, at responsible ang image ni actor A pero hindi ang katulad niya ang type ni actress C na beterana sa larangan ng pag-ibig.

Mga lalake na unpredictable ang mga tipo ng aktres na minsan nang lumuha nang malaman niya ang sikreto ng mhin na kanyang minahal nang husto.

Anak nina Janice at John gusto ring maging beauty queen

Talent na rin pala ni Jonas Gaffud ng Mercator si Kaila Estrada, ang 18-year old daughter nina Janice de Belen at John Estrada.

May potensyal na maging fashion model at beauty queen si Kaila dahil sa kanyang ganda at height na 5’7.

Namana ni Kaila ang height ni John at dahil bagets pa siya, malaki pa ang magiging improvement ng kanyang personality, sa tulong ni Jonas na certified beauty queen maker.

Si Jonas ang manager ni Winwyn Marquez na anak naman nina Alma Moreno at Joey Marquez.

Dream ni Winwyn na maging beauty queen at hindi malabo na matupad ang kanyang pa­ngarap.

Hindi minamadali ni Jonas si Winwyn. Naghihintay siya ng perfect timing para isali ang dalaga sa mga  beauty pageant.

Hindi rin naman nagmamadali si Winwyn dahil gusto nito  na emotionally, mentally, at physically prepared siya kapag sumali sa mga beauty contest. Habang naghihintay siya ng wastong panahon, bumalik muna si Winwyn sa pag-aaral dahil dream din niya na maging pre-school teacher.

vuukle comment

ACTOR

ALMA MORENO

ERNIE

ERNIE GARCIA

NIYA

SIYA

WINWYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with