^

Pang Movies

Jinggoy dinaan sa pagpapatubo ng bigote ang galit!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sporting a new look si Senator Jing­goy Estrada dahil nagpatubo siya ng bigote at balbas.

In fairness, bagay na bagay kay Papa Jinggoy ang kanyang new look. Knowing him, may ibig sabihin ang pagpapatubo niya ng bigote at balbas. Puwedeng ‘yon ang protesta niya sa kanyang pagkakakulong sa custodial center ng PNP sa Camp Crame.

Walang katiyakan kung hanggang kailan mananatili si Papa Jinggoy sa loob ng kulungan. Baka matagalan pa bago niya ahitin ang kanyang bigote at balbas.

May natapos na pelikula si Papa Jing­goy na hindi pa naipalalabas sa mga sinehan.

Ito ang pelikula na pinagtambalan nila ni Maja Salvador. Tapos na tapos na ang movie project at ready na ito for showing pero nakulong nga si Papa Jinggoy.

Ipinakikilala pa naman sa pelikula na may tentative title na Tatay si Jolo Estrada, ang second child ni Papa Jinggoy. Kasama rin sa cast ng Tatay si Julian Estrada, ang youngest son ni Papa Jinggoy na lumabas na noon sa Magkaibigan, ang pelikula na tribute ni Papa Jinggoy sa friendship nila ni Rudy Fernandez.

AIAI hands on sa Ronda

Maluwag na ang schedule ni AiAi delas Alas dahil natapos na ang mga taping niya para sa Dyesebel na nag-goodbye kagabi sa telebisyon.

Dahil nabawasan na ang kanyang trabaho, ang rehearsals para sa concert nila ni Rico Puno sa Solaire Grandballroom ang aasikasuhin ni AiAi. Sa July 26 na ang concert ng dalawa na may title na Macho Gwapita.

Hands on din si AiAi sa promo at publicity ng Ronda, ang first indie movie niya na official entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Si AiAi ang producer ng Ronda kaya gusto niya na makatiyak na well-promoted ang Ronda.

Sina Cesar Montano at Carlos Morales ang leading men ni AiAi sa Ronda. Policewoman ang role niya sa pelikula na magpapakita ng kanyang husay sa drama.

Popular celeb at macho actor hindi rin nagtagal ang tsugihan

Hindi pala nagtagal ang lihim na relasyon ng isang popular celebrity at ng macho actor na naging flavor of the month niya noon.

May hinala ako na hindi nagtagal ang secret affair ng dalawa dahil hindi true love ang naramdaman ng popular celebrity para sa aktor. Malamang na ginawa lamang niya na pampalipas oras ang macho actor na sunod ang luho sa kanya.

Never na nakita na magkasama sa mga public place ang dalawa. Maingat na maingat sila pero lumabas din ang kanilang sikreto dahil mismong ang macho actor ang nagkuwento sa kanyang mga kaibigan tungkol sa pakikipagtsugihan niya sa popular celebrity.

Kung naging open lamang ang macho actor sa kanilang relasyon, baka naging seryoso sa kanya ang popular celebrity na mahalin lamang ng tapat at ipagmalaki siya ng mhin ang pa­ngarap.

Pinay na kasama sa flight 17 nakapagpaalam sa kamag-anak

Nakalulungkot naman ang kuwento tungkol kay Irene Pabellon, ang Pinay na nasawi sa pinabagsak na Malaysian Airlines Flight 17 sa Ukraine.

Kasama ni Irene sa biyahe patungo sa Malaysia mula sa Amsterdam ang kanyang dalawang anak.

Ikinuwento ng kamag-anak ni Irene sa Quezon province na nakatanggap pa siya ng text message mula sa biktima na nagpahayag ng pag-aalala dahil sa pananalanta ng Typhoon Glenda sa kanilang lalawigan. Nangako raw si Irene na magpapadala ng tulong sa mga kamag-anak niya na naging biktima ng Glenda.

                              

vuukle comment

CAMP CRAME

CARLOS MORALES

CESAR MONTANO

CINEMALAYA PHILIPPINE INDEPENDENT FILM FESTIVAL

NIYA

PAPA JINGGOY

RONDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with