^

Pang Movies

Alessandra tinatamad nang magpinta

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Wala na sa mood si Alessandra de Rossi na magpipinta ngayon. Tinatamad na raw siya dahil hindi rin naman daw siya inspired.

Kesa naman daw sa madumihan pa siya at ma-stress kung paano isisingit ang pagpipinta sa busy niyang schedule ngayon, itinigil na lang niya. Tutal wala naman siyang balak na mag-exibit ng kanyang mga obra. Gusto lang niyang matutong magpinta kaya nag-aral siya ng basic. Pero lumipas na ang mood at drama niya sa pagdu-drawing. 

Ang trip uli niya ay ang magsulat ng mga kanta, na nire-record niya sa kanyang laptop at hindi na rin nasundan ang kanyang unang album na naisisingit niya habang ginagawa ang Ang Dalawang Mrs. Real at Basta Everyday Happy.

Enjoy din si Alex sa kanyang morning show na Basta Everyday Happy at siya raw ang nag-iisang luka-lukang single at pambalanse sa kanilang grupo.  

Sa Dalawang Mrs. Real naman, akala ni Alex ay matatagalan pa ang wish niyang huwag mung magkontrabida pero nabago raw ang takbo ng istorya. Pero okey lang sa kanya dahil kasama naman niya si Maricel Soriano.

Jake natakot kay Dennis

Kabado si Jake Vargas sa indie film na Asintado na kasali sa Cinemalaya. Doble ang ninerbyos niya dahil mga bigatin kasama niyang aktor lalo na nang marinig niya ang name ni Dennis Trillo na kilala ang kahusayan sa pag-arte.

 Mabuti na lang daw at super alalay sa kanya si Direk Louie Ignacio at na-challenge pa siya sa kontrabida nila sa movie na si Gabby Eigemann na super galing daw sa kanilang mga eksena.

 Napasubo raw siya sa aktingan, kaya ibinigay din niya ang kanyang best.

Samantala, mukhang seryoso si Jake sa relasyon nila ni Bea Binene at ipina-tattoo pa ang name ng GF sa kanang pulso.  Basta ini-enjoy lang daw nila ang isa’t isa at hindi raw nawawala ang respeto niya sa nanay nito kaya lagi nilang kasama ito sa mga lakad nila. Pero ayaw niyang magkuwento dahil ayaw daw niyang ma-bad shot sa mommy ni Bea, kaya silent na lang siya. Mas maganda raw para tahimik ang relasyon nila.

vuukle comment

ALEX

BASTA EVERYDAY HAPPY

BEA BINENE

DENNIS TRILLO

GABBY EIGEMANN

MRS. REAL

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with