^

Pang Movies

Marian ayaw makipag-quickie kay Dingdong sa Amerika

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - All-out si Marian Rivera sa gagawing paggi-ling at pagkembot sa dance musical niyang Marian upang maakit niya nang todong-todo ang manonood sa premiere telecast nito sa June 21, Saturday sa GMA Sabado Power.

Suntok sa buwan daw ang dance numbers na ipa­mamalas niya pati na ang pagsusuot ng seksing-seksing damit mula sa mga kilalang fashion designers. First time din siyang mag-i-interview ng mga guest kaya sabi niya sa presscon, “Bahala na! Ha! Ha! Ha!”

Hindi man masasabing perfectionist si Marian pagdating sa dance steps na pinag-aaralan, sinisiguro naman niyang hindi siya uuwi ng bahay nang hindi tapos nang maayos ang sasayawin sa programa.

“Hindi rin ako makakatulog kung alam kong may kailangan pa rin akong aralin. I see to it na i-ready ko na ang sarili ko sa mga steps na gagawin ko,” pahayag ni Marian.

Sinisiguro rin ni Yan Yan na magiging guest sa isang episode ang boyfriend niyang si Dingdong na naging bahagi rin ng dance group na Abztract. Ano naman ang gusto niyang sayaw nila ni Dong?

“Dirty dance!” deklara ng Primetime Queen.

Bakit naman dirty dance ang gusto niya?

“Kung hindi ako nagkakamali, una naming ginawa ni Dong ‘yan sa promo ng Marimar. SOP pa yata ‘yon,” rason niya.

Walang ibang dahilan?

“Wala naman! Wala naman,” tugon ni Yan.

Eh, sensuwal ang sayaw na ‘yon, huh!

“Hindi naman. May dirty dance naman na hindi sensuwal ang dating! Sexy din siya…Sige na nga, senswal na! Ha! Ha! Ha!” saad ni Marian.

Kumusta naman ang ginawa niyang interview na first time niyang gagawin?

“Actually, ang first guest ko kasi ay malapit sa puso ko. Hindi ako kinabahan. Hindi ako na-tense. Pero sinisigurado ko na meron din akong alam sa iinterbyuhin ko. Ayoko naman na on the spot, ibibigay lang sa akin ng writer tapos…

“Siyempre, may mga assignment din akong kailangang gawin at bilang host dapat hindi lang ‘yung writer ang may alam. Dapat may sarili kang pag-aaral para sa guest mo. Para at least, aware sila na pinaghahandaan mo sila. Importante sila. Basta sa Marian, lahat ng guests namin, binibigyan namin ng importansiya,” katwiran ni Marian.

Ang unang guests niya ay sina Governor Vilma Santos-Recto at Maricel Soriano.

“Suntok sa buwan ang makasama ko sila. Hindi ko inakala sa sarili ko na nagawa ko ‘yon. Kasi alam naman nating lahat na tumatak na magaling silang sumayaw. Hindi ko akalain na ibinigay sa akin ng D­iyos na makasama sila sa iisang entablado at sinayaw ko pa ang mga pinasikat nila!” deklara ng aktres.

Personal ang request ni Marian kina Governor Vi at Maria kaya naman kapag may gusto siyang ma-ging bahagi ng programa keber niya kung mag-talent coordinator siya, huh!

“Sila talaga ang inspirasyon ng Marian. Mataas ang respeto ko sa kanila bilang sila ang nauna. Malaki ang paghanga ko sa dalawang unang bisita ko kaya nararapat lang na sila ang mauna sa unang episode ko!” pagmamalaki niya.

So from Primetime Queen to Dancing Queen na siya?

“Hayaan mo na! Ha! Ha! Ha!” sagot niya.

Inagahan ang presscon ng Marian dahil ngayong araw na ang alis niya patungong Amerika para sa apat na show. Inihayag din niya na magkikita rin sila ni Dong doon. Itinanggi nga lang niya na quickie ang pagtatagpo nila ng boyfriend, huh!

“Ayoko ng quickie! Gusto ko pangmatagalan! Ha! Ha! Ha! Alangan namang tinginan lang, tapos, bye! Ang lungkot naman! Natuwa ako sa kanya dahil siya ang nakaisip na magkita kami roon!” sabi ni Marian na hindi naman sinabi kung saan sa States magkikita ng boyfriend.

vuukle comment

AYOKO

DANCE

DANCING QUEEN

MARIAN

NAMAN

NIYA

PRIMETIME QUEEN

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with