^

Pang Movies

Mark pinatunayan ang pagka-macho

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi isang big isyu kahit nabuko mang may anak na pala si Mark Herras sa isang babaeng mas matanda sa kanya at handler pa niya. Walang problema, binata naman siya at tunay na lalaki. Magkaka-anak talaga.

Ang masakit eh kung matuklasang kabit pala siya ng isang rich gay na nagpapanggap na babae. O kaya naman ay ma-discover na isa pala siyang sioke mismo na nagpi-pretend na lalaki.

Ang masakit lang sa isyu, na-blackmail pala siya ng isang may utang sa kanya. Sakit naman ng gano’n, pinautang mo na, ginawan ka pa ng hindi maganda. Kung totoo nga ang sitsit na ito ha?

Ejay nakakita ng ‘multo’ sa damuhan

Masuwerte si Ejay Falcon. Leading man siya ng dalawang tisay stars na sina Carla Abellana at Camille Pratts sa Third Eye ng Regal Entertainment, Inc.

Kahit natoka siya ngayon sa horror story, alam n’yo bang takot sa multo si Ejay? Natuklasan namin ito noong minsan naming makasama siya sa isang motorcade sa Jaen, Nueva Ecija sa invitation ni Mayor Santi Austria. Papunta kaming kabayanan para mag-show isang gabi, kasama sina Derrick Monasterio, Aileen Papin, at Hana Villame, nang may nakita siyang bagay na gumagapang sa damuhan. Palalim na noon ang gabi at natakot si Ejay at maging mga kasamahan sa van. Later on ay nalaman naming tao lang pala ’yun na kung lumakad ay pagapang. Walang nakakibo sa amin kahit isa nang makita ang lalaki sa damuhan.

Rajah Montero kinasasabikan na ng mga kalalakihan

Sa March 10, sa SM North Edsa sa Quezon City ang premiere night ng pelikulang Kamandag ni Venus starring Rajah Montero katambal si Leandro Baldemor. Matagal-tagal ding hindi napapanood ng mga tagahanga si Rajah kaya halatang marami ang nananabik, lalo na mga kalalakihan. Kasama rin sa casting sina Sharmaine Arnaiz at Jao Mapa.

Mabuti naman at may mga independent movie producer na patuloy na gumagawa ng pelikula, kahit sabihin pang kokonti na ang mga gumagawa ngayon. Maliban na lang kasi kung may film festival na masayang nabibigyang trabaho ang ilan sa mga artista natin.

Nananabik tuloy ang movie fans na mapanood nila ang mga artistang hinahangaan. Nowadays kasi ay busy na lang ang mga artista sa television.

Produced ng Teknikolour Film Productions ang pelikulang Kamandag ni Venus na ginastusan ng todo ng isang producer from Nueva Ecija.

                 

 

vuukle comment

AILEEN PAPIN

CAMILLE PRATTS

CARLA ABELLANA

DERRICK MONASTERIO

EJAY

EJAY FALCON

NUEVA ECIJA

RAJAH MONTERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with