^

Pang Movies

Robin pinatulan ng Malacañang

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa pagiging vocal ng tinaguriang Bad Boy of Philippine Cinema na si Robin Padilla hinggil sa kanyang opinyon sa nangyayaring isyu sa ating gobyerno hinggil sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel scam ay sari-saring batikos na ang natatanggap ng aktor. May mga pumupuri dahil sa kanyang katapangan at pagiging concern sa ating bansa ngunit may iilan din na pumupuna sa kanyang mga sinasabi.

At dahil sa kanyang panawagan na magbitiw sa puwesto ang ilang opisyales, naitanong kay Presidential Spokesperson Secretary Edwin Lacierda ang tungkol sa panawagan ni Robin.

 â€œAlam mo, ang dapat pagtuunan ng pansin ni Robin Padilla, and with all due respect to Robin Padilla, is, like what we’ve been saying, bilang isang mamamayan, ang tanungin natin sa bawat mambabatas, sa bawat government official: ‘Paano n’yo ginamit ang kaban ng bayan. Ikaw ba ay nagnakaw?’

“So, yun ang pagtuunan ng pansin, ‘Did you steal from the people’s…from the taxpayers? Did you steal from these funds that were caused to you in confidence, in trust and confidence by the people?

“Yun po ang dapat pagtuunan ng pansin. Huwag po dahil kabigan.

“Kung talaga pong may kaso po, dapat yun ang pagtuunan ng pansin po ni Robin Padilla.

“Sino ba sa ating mga hinalal, nahalal, or mga government officials na in-appoint ang nagnakaw?

“Yun po talaga ang basic issue po dito, e. Yun po ang tanging issue na dapat sagutin ng bawat taong nagnakaw, ipaliwanag nila.

“Huwag po tayo mag DOM.”

Ang “DOM” ay terminong ginagamit ni Secretary Lacierda na nangangahulugang “Deny, Obscure, and Misdirect,” sagot ni Lacierda.

Dagdag pang tanong ng media kay Secretary Lacierda ay kung may galit ba si Robin kay Senator Drilon, na siyang nakaupong Justice secretary nang makulong ang aktor sa kasong illegal possession of firearms noong 1995.

Tugon niya, “Ay, hindi ko po alam.

“Narinig ko po ‘yan, yun po ang nasabi niya, na ako’y ikinulong mo.

“Pero as to… is not a reason for going against Senator Drilon.”

vuukle comment

ALAM

BAD BOY OF PHILIPPINE CINEMA

DRILON

HUWAG

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON SECRETARY EDWIN LACIERDA

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

ROBIN PADILLA

SECRETARY LACIERDA

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with